CHAPTER 07

64 3 1
                                    

JEMA

Napapakunot noo na lang ako Kay Jennie. Ano kayang trip niya ngayon, bakit pinaunlakan yong invitation ni Lisa.

Wala bang sakit ang ate mo? Bulong ni Joy sakin

Ewan ko. Baka nacombulsion.

Tsaka ngayon ko lang nakitang ganyan yong ngiti niya. Dagdag pa ni Joy

Hayaan nalang natin. Baka sinaniban ng masamang espiritu. Sagot ko

Iniinterview niya si Lisa.

Salamat ha. Sabi namin kay Lisa

Nakakapanibago din tong si Manoban, parang nawala yong angas sa katawan niya.

Welcome. Thank you din sa inyo. Sagot niya

Kung hindi lang namin kilala kung anong klaseng tao siya, masasabi kong okay naman siyang kasama.

Ano'ng trip yun? Tanong ko kay Jennie ng makarating kami sa bahay

Why? Wala namang masamang makipagkaibigan.

Ha? Parang nabingi ako

I am starting to come out. I mean socialize. Bakit ba paulit ulit ka? Tinanong mo na din ako kanina.

Kasi nakakagulat ka infairness. Never kong naimagine na iintertainin mo ang isang Lalisa Manoban. The Warfreak.

Jema, lahat naman ng tao may dahilan kung bakit nagkakaganon. Malay mo, may matindi palang pinagdaanan yun kaya naging Warfreak.

So, iniisip mong ikaw ang makakapagbago sa kanya ganun? Tanong ko

Hindi naman. Pero malay natin. I only have 5 months here sa Bulacan. By May nasa Manila na din naman ako. So why not use my time worthily?

Ewan ko sayo. Bahala ka na. Matalino ka naman. Kaya alam kong alam mo ang ginagawa mo. Huwag ka lang sanang mahulog sa kanya.

Natawa na lang ito sa sinabi ko.

Don't worry Jem. Naka reserve na ang puso ko.

Nagtataka akong nakatingin sa kanya.

Reserve? May nag mamay ari na ba ng puso mo? Oh, mali ang tanong ko. May puso ka pala?

Binatukan niya lang ako.

It's for you to find out kung sino. May prize ka if you hit the jackpot. Bye Sis.

Sabi pa niya bago pumasok sa kwarto niya.
Napapaisip naman ako. Pero wala akong maisip kung sino. Kami lang naman kasi ang parati niyang kasama. Tapos puro libro lang naman ang inaatupag niya. So sino? 100% sure akong hindi si Manoban yun, dahil sabi niya naman hindi si Lisa.

Bago pako maloka nagbihis na lang ako ng pambahay at sinimulan na lang gawin ang mga Projects na kakailangan kong mai submit bago magsimula ang training.

Kailangan ko pa ding mag aral dahil malapit na ang 3rd grading namin.

Pasok! Sigaw ko sa kumatok

Wow. Busy?

Ikaw hindi? Balik tanong ko kay Jennie

Keri lang. Can i talk to you?

We are already talking.

Okay. Fine. May sakit ba si Seulgi?

She's fine i guess. Why?

Mukha kasing matamlay siya kanina. Pwede mo ba akong samahan sa kanila?

Napatingin ako kay Jennie. Nakakapanibago talaga ito ngayon.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon