IRENE
Ilang araw na kaming nasa hospital pero wala pa ding magandang balita tungkol sa kalagayan ni Wendy.
I am losing hope. Pero gaya ng sabi ni Jema hindi ko maaaring ipakita yun kay Wendy.
Hinang hina na ito at nalalagas na ang buhok niya.
Umuwi kana lang muna hija. Ilang araw ka ng puyat.
Okay lang po ako Tito.
Andito na naman kami hija. Bumalik kana lang mamaya. Para maka recharge ka naman kahit papano. Hindi naman kami aalis. Sabi naman ni Tita
Wala na akong nagawa kundi tumayo.
Kamusta na siya? Usisa ni Daddy pagdating ko ng bahay
Parang lantang gulay na. Matamlay kong sagot
Matulog ka muna.
Tumango na lang ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng antok. Alas sais ng gabi ako nagising.
Tama lang siguro na umuwi nga ako dahil medyo may lakas nga ako ngayon. Nag empake kaagad ako ng gamit.
Pero napaiyak ako pagdating ko ng hospital.
Seul.
Irene.
Kaagad ko siyang niyakap. Doon na ako napaiyak lalo ng maramdaman ko ang pagyakap niya sakin.
Nagkausap na kami. Tatagan mo lang ang loob mo. Bulong niya
Thank you. Alam kong busy ka.
Maliit na bagay. Mas importante pa din si Wendy kesa sa anumang trabaho.
Napatingin ako sa taong pumasok. Napakunot noo ako.
Hi, bumili lang ako ng meryenda sa baba. Hindi pa kasi kami kumakain ni Seulgi. Sabi ni Chaeyeon
Ah. Sorry. Magpapadeliver na lang ako.
No, it's okay. Mamaya na. Bumili na din sina Tito ng food. Sagot ni Seulgi
Bakit magkasama sila? Nagkabalikan ba ang mga to?
Babe.
Wendy. Andito na si Seul. Nagkausap na daw kayo? Pinilit kong pasiglahin ang boses ko
Yeah. I am sorry babe.
No. Wag ka ng masyadong magsalita kung nahihirapan ka lang.
Mahal na mahal kita Irene.
I love you too. Sagot ko
Halos himatayin ako ng bigla na lang tumunog ang machine. Parang nablangko ako, hindi ko na alam kung sino ba ang umakay sakin palayo ng kama.
Nagkakagulo na. Pero nakatulala lang ako.
Irene.
Lisa. Ano'ng nangyayari?
Noon palang ako nakapagsalitaWala na siya.
Hanggang sa dumilim ang paligid ko. Sa isang hospital room ako nagising.
Shhhhh..
agad kasi akong napaiyak ng maalala kong wala na si Wendy.
No. I am just dreaming. Hindi totoo di ba? Hindi totoong wala na siya.
Hindi nakapagsalita si Lisa at Seulgi.
Tell me. Hindi totoo yun.
Napahagulgol na ako

BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
Fiction généraleHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022