CHAPTER 86

34 2 2
                                    

JENNIE

3 months na kaming nakauwi sa Pilipinas. And ganun na din kahaba kaming hindi nag uusap ni Seul.

Ramdam kong umiiwas siya, parati siyang nakadikit kay Sunmi. Everytime na tinatry kong e corner siya, meron siyang way para makaalis.

Hinihintay kong makaalis si Lisa ngayon at Sunmi. Maggrogrocery sila pero sasamahan lang ni Lisa si Sunmi hanggang parking, si Sunmi lang ang papasok sa grocery at maghihintay lang si Lisa.

Can we talk?
Agad ko siyang nilapitan ng makalabas na ang kotse

Tiningnan lang niya ako at tumayo na sa kinauupuan niya. Iiwas na naman siya.

We promised right?
Napatigil siya sa pag alis

Nasaan na yong promised na yun Seul?
Hindi ko napigilang mapaiyak

Akala ko ba walang magbabago. Bakit ayaw mo kong kausapin, ni hindi moko tinitingnan. Sabi ko

Namumula na ang mata niya ng humarap sakin, pero pinipilit niyang huwag umiyak.

I missed you.
Lalong lumakas ang agos ng mga luha ko

Talk to me please. Ayokong ganito tayo. Na parang hindi tayo magkakilala. Ano ba kasing nagawa ko?
Halos lumabas na lang ang mga salita sa bibig ko dahil ansakit sakit na kasi sa damdamin ko eh

Focus on Lisa, Jen. If not for her hindi tayo makakatakas, makakauwi. Alam kong ginawa niya yun dahil sayo. Dahil mahal ka niya.

Ikaw ba? Hindi mo ba ako minahal? Hindi ba bumalik yong pagmamahal mo sakin?
Tanong ko

May Irene ako Jen. Halos pabulong niyang sagot

Alam ko. Alam ko naman yun Seulgi. Gusto ko lang malaman kung mahal mo ko. Hindi naman ako maghahabol.

Pero halos madurog ang puso ko ng umiling siya. May sasakit pa ba dun?

Thank you for answering. Atleast alam ko na ngayon. Antanga ko lang.

Iniwan ko na lang siya at agad na nagkulong sa kwarto.

Nakatulog ako sa kakaiyak. Nagulat pako ng nasa tabi ko na pala si Lisa.

Napakunot noo siya ng makita ang mukha ko . Namumula siguro ang mata ko dahil naramdaman kong mahapdi ito.

Nagkausap na ba kayo?
Alam kong ramdam naman ni Lisa na may problema kami ni Seulgi.

We're okay.
Pilit ko na lang ngumiti

Bukas na pala tayo haharap sa korte. Nadakip na sina Pacita, at halos lahat ng sangkot. Nag plead guilty na sila.

Imbes na dapat sumaya ako. Tumango lang ako at agad na bumangon. Naghilamos ako dahil mahapdi ang mata ko.

Buong dinner namin ay walang nagsalita.

Thank you sa Lahat Lisa. Buong buhay ko itong tatanawing utang na loob sa inyo ni Wendy. Sabi ni Seulgi

Your Welcome. Sana last na to, nauumay na ako sa kakapasalamat mo.

Napangiti naman si Seulgi. Nakatingin lang ako sa mukha niya. Agad akong umiwas ng akmang titingin ito sakin.

Jen. Tawag niya sakin

Hmmm. Sagot kong hindi tumingin sa kanya

Thank you.

Your Welcome. Sagot ko din

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon