CHAPTER 13

55 1 0
                                    

JEMA

Pinababa ko kay Rigor yong maletang dadalhin ko. Si Rigor ang anak ni Nanay Minerva, matanda siya sakin ng 4 years.

Nasa College na ito ngayon. Isa ito sa pinapaaral ni Daddy. Siya ang hardinero namin dito. Pero kadalasan taga washing ng mga kotse.

Tapos kana ba? Tinawagan ko si Seulgi

Yap. Palabas na kami ni Mang Nestor. Tapos na ba kayo ni Nay Minerva?

Yeah. Naghihintay kami dito sa labas.

Narinig kong bumukas na ang malaking gate nila kaya pinatay ko na ang tawag. Nakita ko na ding lumabas na si Deanna at Irene sa Gate nila.

Bakit andaming karton dito sa likod? Tanong ko

Supplies. Ewan ko ba kay Mommy natatakot atang magutom tayo. Nag grocery kahapon ng sandamakmak.

Ayos. Mamaya pa sana kami maggrocery ni Nanay Eh.

Tingnan na lang natin mamaya kung anong laman tsaka kulang. Sakay na at mainit.
Reklamo niya

Alas dos palang kasi ng hapon at masakit nga sa balat at sikat ng araw.

Oh Dean. Hinintay mo na lang sana kami. Sabi ni Seulgi

Okay lang. Para isahang karga na lang.

May bitbit din itong isang karton na buhat ng gwardiya nila.

Mauna na kami. Paalam na namin kay Irene na hinatid pa talaga ang Kapatid.

Ingat kayo. Ikaw behave. Sabi ni Irene at tinuro ang kapatid

Napakamot na lang sa ulo si Deanna.

May hinahanap ka? Tanong ko sa palinga lingang si Seulgi

Wala ka bang naiwan? Tanong niya habang nakatingin sa loob ng gate

Napalingon naman ako para tingnan kung may naiwan nga.

Wala na. Let's go. Sa harap ka Nay. Sabi ko

Nasa gitna syempre si Seulgi. Alam ko namang sa gitna siya uupo.

Kailangan pa naming pumunta sa school dahil sabay sabay kaming aalis para malaman kung may naiwan ba.

Good Afternoon po Miss Jessica.
Napangiwi naman ako

Good afternoon din Miss Cruz. Bati ko din sa caretaker ng apartment

Dito po.

Sumunod naman kami sa kanya.

Sinabi po ni Sir sakin na apat nga daw kayong titira kaya po hinanapan ko po kayo ng House for Rent. Katabi lang naman ito ng building Miss Jessica. Turo niya

Sinabi din niya kung saan may malapit na tindahan, gasolinahan, maliit na Mall.

Thank you po. Sagot ko ng iabot niya na sakin ang susi

Doon pa pala tayo Mang Nestor sa susunod. Turo ni Seulgi sa bahay

Si Mang Nestor na lang ang bumalik sa kotse at nilakad nalang naming apat.

Parang ang laki naman ng bahay para satin. Puna ni Seulgi

Malapad lang siguro. Parang wala namang taas. Sagot ko habang naglalakad na kami papasok

Tama nga ako. Walang taas ang bahay.

Hay salamat walang hagdan. Sabi naman ni Deanna

Oo nga eh. Pagnagkataon dito na lang ako sa sala. Sagot naman ni Seulgi

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon