CHAPTER 30

41 1 0
                                    

JEMA

Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Natupad na kasi ang isa sa mga pangarap ko, ang maging professional Volleyball Player.

Gusto ko sanang maging Teacher noon, but naisip kong mas kakailanganin ni Daddy ng tulong sa Company kaya Marketing ang kinuha ko.

Hindi naman ako nagsisisi sa kinuha kong course. Masaya naman ako.

During sa party sa bahay nila Seulgi, natagalan pa bago nakabalik si Seulgi after habulin si Irene.

Nakauwi na nga si Tzuyu na parang galit na galit eh. Nauna na din sina Lisa dahil nagyaya ng umuwi si Jennie, mukhang lasing pa nga ito eh.

Nagpaalam na din kami kaagad dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Seulgi.

Andito ako sa sala niyo. Nagtaka ako sa text message ni Seulgi, kakalabas ko lang kasi ng banyo dahil naligo ulit ako para maging fresh sana bago matulog

Wait. Nagbibihis ako. Reply ko na lang.

Bakit hindi pa ito nagpapahinga, ala una na ng madaling araw. Alas dose kasi kami umuwi.

Can we talk? I just need someone right now. Malungkot niyang tanong ng babain ko

Gusto mo bang sa kwarto na lang tayo? Tanong ko

Okay na dito. Wala na namang tao. Sagot naman niya

Beer? Tanong ko dahil mukhang mahalaga nga ang sasabihin niya

Sure.

Iniwan ko na muna siya para kuhanan ng Canned Beer sa Ref. Umiinom naman ako occassionally, or kung magkakayaan na mag Club or tambay.

Bakit diyan ka uupo? Natawa pako ng maupo ito sa carpet paharap sakin, ginawa pang sandalan ang center table

Mas comfortable ako dito.

Hinayaan ko nalang siya, uminom muna kami hinintay ko lang naman kung ano ba ang sasabihin niya. Mukhang mabigat kasi dahil magkasalubong ang kilay niya.

Wala ding expression ang mukha niya. Pero mukhang malungkot ang mga mata niya.

Nakailang buntong hininga pa ito.

Bakit hindi ka nagalit sakin kahit hindi ako nagparamdam sa inyo ng limang taon
Jemalyn? Start na niya

Uhmm. Noong una, Yes nagalit ako. Nagtampo. Nadamay pa nga si Deanna sa galit ko sayo eh. Hindi ko siya pinansin or kinibo ng halos 16months? Kasi alam kong may communication kayo. Pero ayaw niyang magkwento.

Sorry. Sagot lang niya

But eventually sabi nga nila Time heals all wounds. Unti unti kitang pinapatawad as days passes by. Naging close ulit kami ni Deanna ng magkasama kami sa iisang Team during all star game, tapos yong Game for a Cause. She told me that your doing okay. Pero ayaw niyang magsabi ng iba pang details, ikaw daw ang dapat mag explain sakin. I respected that. Yong pangungulila ko sayo ang naging daan para mahulog ako sa kanya. Kaya hindi ako galit dahil ikaw ang naging way para maging kami.

Napangiti naman ito.

Pero alam kong hindi yun ang problema mo ngayon. It's Irene right?
Tumango naman ito

Hindi mo naman kasi siya masisisi. If wala akong Deanna ngayon baka ganun din ang magiging reaction ko. Kasi ganun din kami sayo noon di ba? Pero never mo kami binigyan ng chance. Tapos of all people si Tzuyu pa? Why her? Pang uusisa ko

Nagulat ako ng bigla na lang itong umiyak. Niyakap niya ang tuhod niya habang humihikbi.

Si Mom ang may gusto.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon