SEULGI
Mabilis namang gumaling ang kamay ko. Nakakapagdrive na ko kaya hatid sundo ko na si Irene.
Mamaya maghahakot na siya ng gamit at babalik na sa kanila. Pero tinago ko yong lahat ng maleta na nasa aPartment. Kasi balak kong bukas na siya pauwiin. Andito lahat ng maleta sa compartment ng kotse ko.
Napangiti na lang ako habang nagdadrive.
Siguradong uusok na naman ang ulo nito.Pero mali ako. Ulo ko yong umusok yata.
Sino yan? Tanong ko kay Mia na napapitlag pa sa biglaan kong pagsalita sa likod niya
Ikaw po pala Maam Seulgi. Client po namin from Korea.
Nasa likod kasi ni Irene ang isang kamay niya habang nagpapaalam na siguro sila.
Hinintay ko na lang na matapos sila at umalis na ang unggoy na yun bago ako lumapit kay Irene.
Andito kana pala. Wait lang. Nakangiti pa ito sakin
Pero hindi na maipinta ang mukha ko. Bagay na alam kong nahalata naman niya pero hindi na lang nagtanong.
Tahimik ako hanggang kotse. Nakailang sulyap na din ito sa gawi ko pero nasa daan lang ang tingin ko.
Dumadaan kami sa shop bago umuwi. Pero ng makapark na kami, agad akong bumaba at iniwan siya.
Nagtaka din ang mga staff ko ng hindi ako bumati sa kanila at deretso lang sa opisina ko.
Nakasunod lang din si Irene sakin hanggang office. Pero mas lalong uminit ang ulo ko ng hindi niya din ako pinapansin.
Busy ito sa cellphone niya. Hanggang sa may tumawag dito.
Hello Mr. Park?
Napakunot noo ako. Mister? Lalaki?
Yes. Okay see you later.
What? See you later??? Eh alas 5:30 na ngayon.
Pwede bang mauna na lang muna ako? May dinner meeting pako ng 7pm. Maliligo pako at magbibihis.
Kinuha kona lang ulit ang susi na nasa mesa at nauna ng lumabas.
Babalik na lang ako. Bilin ko lang kay Jisoo at lumabas na agad
Tahimik na naman kami sa kotse. Nakikiramdam lang din ito sakin.
Hinintay ko siyang matapos magbihis. 20mins before 7pm ay hinatid ko siya sa Star Hotel.Tatawag na lang ako mamaya if magpapasundo ako. Or magtataxi na lang ako pauwi.
Yun lang ang sinabi niya at agad binalibag ang pintuan.Dahil curious ako sa Mr. Park, pasimple akong sumunod sa kanya. Yun pala ang lalaking nakita ko din kanina. Bata pa kasi ito. Kaedaran lang din siguro namin or mas bata lang ng konti.
Client? Pero may paghalik sa cheeks? Tapos hinintay pa talaga siya sa lobby ng hotel?
Agad na akong umalis dahil baka mademonyo pako at makagawa pako ng eksena doon. Three days na kasi na parati na lang siyang nasa meeting with Mr. Park na yun. Akala ko noong una matanda na. Pero hindi pala. Wala ding suot na wedding ring
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit galit na galit ako.
Bam! Nagulat pa siya ng tawagin ko
Pakuha nga ako ng scotch sa taas. Utos ko..
Yes Boss. Sagot naman niya
3days na lang at mag oopen na ang Bar. Nasa finishing na ito ngayon. Pinapalitan ko kasi ang mga ilaw at naglagay ng Veranda.

BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022