CHAPTER 131

34 2 0
                                    

JENNIE

Napaaga ang uwi ko dahil my pinadalang representative si Daddy na hahalili sakin doon. Kaya imbes na sa Manila ako dederetso, kinuha ko yong biyaheng Cebu.

Natatakot pa ako noong una dahil hindi ko alam kung nasaan exactly ang resort, pero ano ba ang silbi ng Bestfriend kong si Sunmi di ba?

Nadelay pa nga ako eh, dapat 7pm ang dating ko dito sa cebu.

Nagulat ako ng makitang malaki ang pinayat ni Seulgi. Mukha din itong haggard. Si Thirdy naman, bumalik na ang dating katawan at mukhang masaya naman.

Mommy, look. Heto yong unang project namin sa School. Family Tree.

Napangiti ako dahil andun ang mukha ko. Noong binyag, noong mag first birthday siya, christmas.

Sino'ng nagdrawing neto?
Maganda kasi yong pagkakagawa ng mga animals

Si Mamu. Magaling siyang magdrawing. Tapos heto pa, may painting din ako. Kami naman ni Mamu ang gumawa niyan, tinuruan niya akong magpaint.

Wow. ang gaganda naman anak. Mukhang nag eenjoy ka sa school mo.

Yes Mommy. Bukas ipapakilala kita sa mga kaklase ko, ayaw kasi nilang maniwala na may Mommy ako.

Sure. Ako ang susundo sayo bukas.

Gumagawa pala ito ng Homework. Pagkatapos niya kasing ipakita sakin ang mga projects niya, ay naging seryoso na ito sa isang libro.

Thirdy kakain ka ba? Rinig kong sigaw ni Seulgi

Ano po ba yan Mamu? Tanong naman niya

Baked Mac!

Yes please!!!
Maagap namang sagot niya

Napangiti nalang ako. Mukhang okay na naman sila. Pasimple ko ding tiningnan yong katawan ni Thirdy if my pasa ba. Pero wala na akong makita.

Sino ba ang naghahatid sayo sa school?
Usisa ko

Si Mamu po, siya din ang sumusundo sakin.
Kahit minsan inaantok siya.

Inaantok? Takang tanong ko

Sabi ni Mamu baka may lahi daw po siyang Mumu dahil sa gabi siya gising.

Natawa naman ako sa sinabi ni Thirdy.

Lina kayo! TAwag na samin

Excited akong kumain. Namiss ko ang luto ni Seulgi, yun ang isang reason na hindi talaga ako kumain on my way here.

Masarap ka talagang magluto. Namiss ko to. Hindi ko na napigilan na sabihin

Thank you.

Mukhang pagod ito na puyat na hindi ko maintindihan ang itsura niya. Parang napipilitan lang din itong ngumiti.

Tinapos na agad ni Thirdy yong Homework niya. Na para pa pala sa Monday. Sumasama daw kasi siya sa Mamu niya na bumibyahe papuntang bayan tuwing weekends.

Hindi ko na muna nilabas ang pasalubong ko sa kanya at baka gabihin na kami. Mapagalitan pa kami ng ina niya.

Napatigil ako sa pintuan ng makitang iisang kama lang pala ang gamit nila kwarto.

Kayo na lang dito sa labas na lang ako matutulog.
Hindi ko namalayang nasa likod kona pala si Seulgi

Hindi ka naman makakatulog dun.
Sagot ko

It's okay. Sanay na naman akong umaga ng natutulog. Just don't act like you care okay.

Tumaas ang kilay ko. Nagsusungit na agad? Kakadating ko pa nga lang eh..

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon