IRENE
Nakapangalumbaba ako sa terrace namin. Wala naman kasi akong maisip na gawin lalo at wala si Deanna.
Wala akong kachikahan, wala din si Jema, wala din si Seulgi. Kawawa naman ako...
Hindi ka pa pala natutulog anak.
Nalingunan ko si MommyNagpapahangin lang po Mom. Kayo po? Alak na naman.
Pampatulog lang. Pampatagal stress. Sagot niya as always
Namimiss mo siguro ang kapatid mong maingay.
Alam mo ba Mom na kinausap ko Deanna about sa paghihigpit mo sa kanya? Nag eemo ang isa yun dahil parating siya na lang daw ang pinupuna mo.
Ano'ng sagot mo naman sa kanya. Tanong ni Mom
Sabi ko pasalamat ka nga at pinupuna ka. Meaning hindi ka pinapapabayaan.
Napainom lang si Mom sa baso niya.
Kilala ko naman kasi ang kapatid mo. Alam kong hindi naman talaga siya pasaway. Siguro nasanay lang ako sayo anak. Walang dinadalang sakit ng ulo samin ng Daddy mo. Kaya sa tuwing nalalaman kong may atraso siya, umiinit kaagad ang ulo ko because hindi ako sanay na pati kayo pinoproblema ko.
Napangiti na lang ako.
Pero thank you Ate. At ginagabayan mo ang pasaway mong kapatid. Sabi ni Mom
Hindi naman mahirap paintindihin si Deanna eh, talagang ayaw lang niyang sumunod minsan. Pero nakukuha ko pa naman siya sa pakiusap Mom. Tulad ngayon, nakipag reconcile siya kay Seulgi.
Talaga? Well that's a good news. Sana lang mahawaan siya ni Seulgi ng pagiging mabait na bata. I really like Seulgi. Napaka positive na bata. Parati pang nakasmile. Kamusta nga pala ang exam ninyo? Naalalang tanong ni Mommy
Bukas pa ang results Mie. Ako na lang bahalang magcheck ng Exam ni Deanna. Dadaanan ko na lang bukas.
Okay anak. Halika na at malamig na. Baka magkasakit ka pa.
Nakayakap ako kay Mom habang papasok na kami. Bibihira lang kasi kaming nakakapag usap ng matagal. Parati kasi itong wala.
Kinabukasan ay kami lang 4 ang magkasamang naglunch. Oh 5 pala. May anino pala si Jennie.
Kamusta naman sila dun? Maaga akong nakatulog kagabe kaya hindi ako nakapagchika kay Jema. Tanong ni Joy
Disaster. Maikling sagot ni Jennie
Ha? Bakit? Anyare? Sunod sunod na tanong ni Joy. Napakunot noo din ako
Hindi ata nagkaintindihan si Dad at yong pinahanap niya ng matutuluyan nila. Maganda nga yong bahay wala namang gamit. Kaya napasugod din ako dun kagabe, kinailangan pa naming bumili ni Dad ng mga gamit. Kwento ni Jennie
Naimagine ko na ang itsura ni Jema at Seulgi.
Maselan ba ang kapatid mo? Tanong ni Joy
Umiling lang ako.
Kaya ni Deanna matulog ng walang elec. Fan or Aircon as long na maganda yong kama. Basta walang lamok, yun lang yong ayaw niya. Feeling niya kasi pag malamok kinakausap daw siya. Parang nakikinita ko na ang itsura ni Jema at Seulgi. Sagot ko
Sinabi mo pa. Parang mag aamok na si Jema ng mag VC samin ni Dad. Natatawang kwento ni Jennie
Parang naiimagine ko din yong bunganga ni Jema na nakapout at salubong ang mga kilay. Natatawa din si Joy
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
Fiksi UmumHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022