CHAPTER 127

34 2 0
                                    

SEULGI

Natigilan ako. Nasobrahan ata yong pagseselos ko. Nasaktan ko si Jennie.

Ang mali ko lang Seul, binuhos ko lahat ng oras ko para sayo, para sa anak mo. Para sa Pamilya mo, para hindi ka mahirapan.

Nawala bigla ang kalasingan ko ng makita ko na siyang umiiyak.

If napapagod ka, pagod na pagod na din ako Seulgi! Pagod na pagod na ako pero pilit kong kinakaya para sa inyo. Para sa yo. Tapos tatanungin moko kung ano ba ako ni Thirdy? Sana sinampal mona lang ako dahil makakaya ko pa ang sakit eh. Hindi yong ganito. You are so self centered. Iniisip mo lang parati ang sarili mo.

Mom. Mamu.

Napatingin ako sa pintuan ng banyo.

Anak.
Agad ko siyang dinaluhan dahil umiiyak itong nakatingin samin

I am sorry Thirdy pero hindi na ako makakasama pa sa lakad ninyong mag ina bukas. Mag enjoy lang kayo.
Bigla namang sabi ni Jennie

No. Hindi ka aalis.
Agad kong hinarang ang sarili ko sa pintuan.

Move. Hayaan mo na ako Seulgi.

Nasasaktan akong makitang nasasaktan siya. Ang tanga ko na naman. Nasaktan ko na naman siya.

No. Please. I am sorry. Medyo naparami ang inom ko. Hindi ko sinasadyang sabihin yun. Jen please.

Hindi mo sinasadya. Oo naniniwala ako. Pero yun ang iniisip mo kaya yun ang lumabas sa bibig mo. I get it Seul. Naiintindihan ko. Naiintindihan ko lahat ng ito.

No Jennie. Hindi mo naiintindihan. Natatakot ako. Natatakot ako na iwanan mo na kami ni Thirdy. Natakot ako ng malaman kong aalis ka, na iiwan mo na kami. Dahil alam kong ginawa mo yun para masanay na kaming wala ka. Pero Jennie hindi ko kasi kaya eh. Hindi ko kayang wala ka.

Nasasabi mo lang yan ngayon kasi andito pako. Pero alam kong kaya mo. Kaya ninyo. Matapang naman si Thirdy, matapang ka din. Naguguluhan ka lang dahil nakainom ka. Sagot naman niya

Hindi ako naguguluhan Jen. Alam ko ang sinasabi ko.

Kakasabi mo lang kanina na hindi mo sinasadya ang mga sinabi mo dahil nakainom ka. So saan ako banda maniniwala sayo? Kailangan mo lang ako for your own sake. But you never see me as a part of your family.

No, no, No. Hindi totoo yan Jennie. Please naman, mag usap tayo ulit bukas. Papatunayan ko sayo na nagsasabi ako ng totoo. Na bumaba na ang alak sa katawan ko. Just don't leave me please.

Umiwas ito ng tingin ng lumuhod ako sa harapan niya. Ayaw ko sanang nakikita kami ni Thirdy na nag aaway eh.

Mommy, please don't go.
Sabi na din ni Thirdy

Alam kong hindi niya kayang balewalain ang anak namin. And tama ako. Tumango siya kay Thirdy.

Thank you. Niyakap ko siya sa gilid habang nakayakap naman siya sa bata

Para kay Thirdy, Seulgi.

Napatango na lang ako. Semplang na naman ang plano kong makuha ang loob niya. Bakit kasi napakataas ng pride ko. Napakatigas din ng ulo ko. Sabi ng hindi ako dapat nag walk out kanina pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

Buong magdamag akong gising kahit nakainom ako. Tumabi kasi siya kay Thirdy sa kanilang kama kaya hindi ako makatulog.

Alas singko ng makita ko siyang bumangon. Nagulat pa ito ng makitang nakaupo lang ako sa gitna ng kama. Akala ko kakausapin ako, pero hindi niya ako pinansin.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon