JENNIE
Nakatulala lang ako sa bahay. Ngayon sana ang balik namin sa Cebu, but after ng usapan namin kagabe ni Seulgi, tila wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.
Ni hindi ako nagpaalam ng maayos. Nag iwan lang ako ng sulat ng umalis sila para sunduin ang Ash ni Sana.
Anak. Iba pa din kung kinausap mo ng maayos yong tao. Isipin mo din kung ano'ng mararamdaman ni Thirdy.
Dad. Hanggang kailan ko ba iisipin ang mga feelings nila.
Napailing si Daddy sa sinagot ko.
Noong umalis ka. Di ba sabi mo lalayo ka para maka adjust na si Thirdy na wala ka? Eh noong bumalik ka dun ka kaagad dumiretso. Anak, pinapaasa mo yong bata eh. Ano ba ang gusto mong mangyari talaga? Na masanay din siya na andiyan ka tapos mawawala na lang palagi if may problem? Yan ba ang gusto mo? Na masanay lang din siya na nawawala ka na lang bigla kung kailan ko trip? Aba Jennie, kung talagang ayaw ko dun sa Nanay huwag mong idamay yong anak.
Napabuntong hininga na lang ako.
Kahit ako anak, yun ang iisipin ko. Yong taong gusto ko, may ipinakikila sakin na ibang lalaki, i confessed pero umiwas siya. What do you think i would feel? Syempre iisipin kong ayaw talaga pala niya sakin. Na iba ang gusto niya.
Si Daddy talaga mas binudburan pa ng asin ang sugat ng puso ko.
Bakit mo ba kasi ginawa yun? Kahit kami ni Jema ang alam namin kayo ni Mino. Sila pa kayang mga kaibigan mo?
Daddy. Stop. Ayaw ko ng pag usapan pa yun. Tugon ko
Ayaw mo ba talaga kay Seulgi? Sabihin mo nga sakin ang totoo Ruby Jane.
Hindi na ako umimik. Ruby Jane na kasi ang tawag sakin eh
Ano? Sagot!
Hindi ko alam. Noon kasi natakot ako kasi kakamatay lang ng asawa niya tapos magcoconfess siya sakin?
Nasisiraan kana ba talaga ng bait? Anak, dalawang taon ng patay ang asawa niya as far as i can remember ng magconfess siya sayo.
Kulang na lang magdabog si Daddy.If yun palagi ang iisipin mo wala talagang aasahan si Seulgi sayo. Iniisip mo ba talaga na panakip butas ka lang? Anak naman. Mas nauna ka namang minahal. Ano ba klaseng pag iisip yan Jennie. Hindi na ako nagtaka na napagod na yong tao sayo eh. Nakakapagod ka ngang intindihin at mahalin.
Daddy!
Totoo Ruby Jane. Ang hirap mong intindihin anak. Tapos ngayon gaganyan ka dahil sinabihan ka niyang she already moved on. Tama lang ang ginAwa ni Seulgi anak. Minahal lang niya ang sarili niya.
Napapikit na lang ako.
Hindi mo ba alam na ikaw mismo ang nagbibigay ng signal sa kanya na umasa?
Andun ka ng kailangan niya ng kaibigang makakapitan, andun ka ng kailangan niya ng taong tutulong sa kanya sa pagpapalaki ng anak niya, andun ka ng mga panahon na nasa baba siya at ikaw pa mismo ang nah ahon sa kanya pataas. Pero ikaw din ang bumalik sa kanya sa kalugmukan. Hindi mo ba naisip yun?Daddy naman. Ayaw ko na nga. Kaya nga ako umuwi dito. Kasi kailangan kong makapag isip. Tapos sesermunan mo lang pala ako.
Nayayamot kong sagotMakapag isip? Ano pa ba ang kailanagan mong pag isipan? Tapos na. Game over na. Sinukuan ka ng nong tao. Kung ako sayo, magbihis ka at pumasok sa opisina. Back to reality ka na lang anak. Kalimutan mo na ang mag inang yun kung sasaktan mo lang sila pareho. I never thought na ganito ka kaselfish.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022