CHAPTER 84

30 2 0
                                    

IRENE

Napailing na lang ako ng madatnan kong umiinom na naman si Deanna. Alam ko na kung bakit.

Napatingin ito sakin pero umiwas din kaagad. Nagbihis na muna ako ng pambahay.

Mom what's for dinner?

Maupo ka na kung kakain ka. Kausapin mo nga yang kapatid mo.

Hindi pa po ba kayo nasasanay? Tanong ko

Haynaku. Ikaw lang naman ang nasasabihan niya ng problema kaya ikaw na bahala sa kanya, ilang ulit kong tinanong kung ano ang problem, ayaw magsalita. Babae na naman ba?

Maybe. Sagot ko lang

Bakit ba kasi nagpauto siya sa babaeng yun? Haynaku.

Hindi na lang ako umimik.

Kumain na lang ako. Pag sumagot pako kay Mommy hindi na matatapos itong usapan namin.

Dinalhan ko na lang ng pulutan si Deanna.

Manenermon ka din ba? Sita niya kaagad

Kelan ba ko nanermon? Tanong ko din

Napatawa naman ito.

Kailan ka babalik ng Manila? Tanong ko muna

Sa susunod na linggo pa. Ayaw mo na ba sakin dito?

Medyo. Nakakasawa din kasi ang pagmumukha mo. Pabirong sagot ko

Ngumiti naman siya sa sinagot ko.

Ganyan ka ba kauhaw?
Naubos niya kasi agad ang kalahating laman ng beer niya

Te, immature ba ko?
Napatingin naman ako sa mukha niya kung seryoso ba ito, pero mukha namang seryoso siya

Sino ba nagsabi sa yo niyan?
Kahit alam ko na kung sino. Nagkakaganito lang naman siya pag si Jema yong tumitira sa kanya.

Wala naman. Tipid niyang sagot

Break na ba kayo ng jowa mo?
Tumango naman siya

Kelan pa? Kaya ka ba umiinom?

Mag dadalawang buwan na. And No, hindi siya ang reason ng pag inom ko.

Sabi na nga ba eh. Malamang doon na naman to galing sa kapitbahay namin.

Mali ba ako Ate? Na mas inuna ko ang Pamilya ko kesa kay Jema?

Di lumabas din mismo sa bibig niya.

Inuna? Elaborate mo nga ng maintindihan ko.

Mas gusto kong siya ang nagsasabi ng saloobin niya. Kasi ayaw na ayaw niyang pinangungunahan siya.

Unang kasalanan ko kasi sa kanya, pinagselosan ko si Rigor di ba? Tumango ako. Then si Seulgi. Tumango ulit ako.

Aaminin kong natukso ako sa iba noong kami pa, pero pinilit ko namang huwag magpatukso. She got jealous, siguro mali ko talaga dahil noong time na yun parang kinain ako ng kasikatan at kahambugan ko.

I can't believe na inamin niya talagang lumaki ang ulo niya.

Hinayaan ko lang na magselos siya. Pero hindi ko namalayan na unti unti na pala siyang lumalayo. We always argue, siya sa pagseselos sa side ko, me kay Seulgi. Na ewan ko din kung bakit selos na selos ako kay Seul.

Nagbukas muna ito ng panibagong bote at uminom.

Maybe i am not Jealous, huli ko lang narealize na mas nainsecure lang ako. Naging toxic ang relationship namin dahil sa pagseselos ko, hindi ko namalayan na i am the one who push her palayo sakin. Hanggang sa nanawa na siguro siya. Then nakidnap kayo, nagalit ako kay Seul. Dahil nadamay ka, dahil nilalayo ka niya samin.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon