CHAPTER 57

36 1 0
                                    

LISA

Nasa Cebu ako ng maaksidente ang Daddy nila. Hindi agad ako nakabalik dahil may trabaho ako doon.

After 3 days nila sa St. Lukes nilipat nila sa Bulacan si Tito. Kaya doon na ako dumiretso.

Hey Love sorry. Agad na sabi ko ng makarating na ako sa room

It's okay. Matipid lang na sagot niya

Good Morning po Tito. Bati ko ng makitang nagising ito

Lisa. Kamusta naman ang Cebu?

Hindi na po ako nakagala eh. Lumipad po kaagad ako pabalik.

Ganun ba. Pasensiya na.

Wala po yun. Hindi naman po aalis ang Cebu. Sagot ko

Tumango lang ito at pumikit ulit.

Morning! Naunang lumitaw ang ulo ni Seulgi

Breakfast. Pakita nito sa paperbag na dala

Nakabalik kana pala tol. Sabi niya sakin

Oo. Bukas pa sana. Pero hindi nako nakahintay. Mas kailangan ako ng girlfriend ko.

Ngumiti lang ito at inayos na ang pagkain sa mesa

Andito kana pala Seulgi. Sabi ni Tito

Dinala ko na ang request mong pumpkin soup, mahirap na baka makunan po kayo eh.

Loko ka talaga, gusto ko sipain kita gamit tong kaliwang paa ko?

Nagtawanan naman sila. Feeling ko parang na OP ako bigla. Dala lang ito siguro ng pagod ko.

Nakikinig lang ako sa usapan ni Seulgi at ni Tito. Wala naman kasi akong maiambag eh.

Kamusta naman yong pinapagawa nitong kitchen?

Tiles na lang po yong kulang. Inuna kasing ikabit yong stove na pinagawa talaga ni Kuya. Siguro by Monday Tito, baka magstart na. Pero hindi pa talaga sure kung kelan, depende pa.

Bakit naman di pa sure?

Yong ibang gamit kasi hindi pa nakadating eh. Sa Canada pa pinabili ni Kuya kasi mas mura tapos Top Brand. Yun kasi ang gamit namin dun kaya subok na matibay talaga.

Ramen house lang ba ang idadagdag niyo dun?

Gusto ni Kuya madaming choices. So, steak, samgyupsal, ramen. Yan lang muna yong first choice namin.

Aba maganda yan. Kayo ang magiging kauna unahang magtatayo ng Samgyup dito. Baka dumugin kayo ng mga kabataan. Patok na patok yan sa Manila. Dapat mas malapad yong space ninyo

Actually meron na kaming location na paglilipatan Tito. Kaso lupa palang yun.
Kaya medyo malaki ang kakailanganin if ever.

Hindi naman kailangang magpatayo ka talaga ng building. Uso na ngayon ang mga outdoor park. Search mo sa google yong about sa foodtrucks. Diyan ka kumuha ng idea. Tapos palagyan niyo lang kahit na Tent or magtayo kayo bahay kubo style.

Good idea yan Tito. Hindi ko naisip yong Bahay Kubo style. Sasabihin ko po kay Kuya at Dad. Pano po, dadaan pako ng shop. Balik na lang ako ng lunchtime.

Salamat Seulgi.

Mauna na ako sa inyo. Paalam niya din samin

Salamat. Sagot ni Jennie

Napabuntong hininga na lang ako. Umaandar na naman ang pagka insecure ko. Pag kasi kami ang magkasama ni Tito, wala kaming ma topic kaya hindi kami ganun mag usap.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon