CHAPTER 44

44 1 0
                                    

JEMA

Nakapikit pako habang pababa ng hagdan. Alas diyes na ng umaga pero nasa bahay pako.

Morning Margaret. Tinanghali kana naman ng gising.

Morning Nay. Sorry. Tinatamad akong bumangon. Nabugbog ata ang katawan ko sa pagiging waiter kahapon.

Kamusta naman ang opening ng café ni Seulgi? Inimbita nga ako ng batang yun eh. Nakita niya kasi akong nagdidilig noong isang araw.

Bakit po hindi kayo sumama?

Hay naku. Nang magpaalam ako sa Daddy mo, aba kagulat ko. Pinagalitan ako.

Napabuntong hininga na lang ako.

Galit ba si Jonathan kay Seulgi? Usisa pa ni Nay Minerva

May pagkakatampuhan lang sila Nay. Alam mo naman si Dad, feeling tropa. Alibi kona lang

Naku. Ang daddy mo talaga. Tumatandang paurong. Natawa na lang na sabi niya

Si Ate po?

Aba'y hindi ko naman nakita na umuwi. Wala ba sa kwarto niya?

Hindi pa siya bumababa? Himala. Tugon ko

Papaakyat ko kay Rosanna. Baka tulad mo napagod din.

Kung noon sigurong lasengga pa siya hindi ako magugulat kung tulog pa siya hanggang ngayon at mamayang alas tres na magising. Pero simula ng pamahalaan niya ang Hotel at Ang Agency alas otso wala na ito sa bahay.

Wala naman daw tao sa kwarto niya at parang hindi naman daw nagalaw ang kama. Hindi ba nagtext sayo na di uuwi?

Baka akala niya nasa kabilang bahay pa din ako. Sagot ko

Oo nga. Bakit ka pala nauwi? Gayong andito ang Daddy mo

Hindi naman kami magkikita dito. Dahil alam kong maaga siyang aalis.

Naku, kayo talaga. Kung kailan kayo tumanda dun pa kayo nag aaway. Tsaka Margaret, ikaw yong anak. Ikaw dapat ang magpakumbaba. Kahit pa kasalanan ng Daddy mo.

Nasermunan pa tuloy ako.

Opo. Sagot ko na lang

Nakailang tawag na ako pero walang sumasagot. Ibababa ko na sana ng may sumagot.

Bakit Jemalyn?
Nabitiwan ko ang kutsara't tinidor ng si Seulgi ang sumagot. Paos pa ang boses nito.

Sa pagkakaalam ko number ni Jennie ang tinawagan ko. Sabi ko sa kanya naka speakerphone kasi ako

Nagulat lang ako noong una. Hindi ko kasi ini expect na magkasama silang dalawa. Napangiti na lang ako.

Huh?! Fuck! Akala ko phone ko. Ahmmm.
Nataranta ata ito sa kabilang linya

And alas diyes na. Tulog pa kayo? Sarap ng buhay ah. Sabi ko pa

Jemalyn, huwag kang mag isip ng kung ano ano. Ano kasi..

Lalo akong napangiti.

Ahm. Wait gisingin ko lang si Jen.

Wow Jen! Sweet ha.

Hmmmm. bakit? Paos din ang kapatid ko
Tulog pa nga

Wala naman. Chinicheck ko lang kung nasa bahay ka ng jowa mo, pero mukhang iba ang kasama mo. Jowa ng iba. Remind lang kita, tanghali na. Sa pagkakaalam ko may Board Meeting tayo ng alas onse.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon