CHAPTER 77

26 1 0
                                    

IRENE

Ilang araw na akong badtrip kaya walang kumakausap sakin. Walanghiya talaga si Seulgi, naghihintay pala ako sa wala.

Maam andito po si Maam Wendy.

Papasukin mo.

May dala itong flowers as usual. And with her smile. Isa din tong nakakabadtrip eh, kahit wala ako sa mood ganyan siya, hindi nagdadamot sa ngiti niya.

Ano na naman ang agenda mo dito?

Sungit naman. Ilang araw na nga
Kitang binigyan ng space eh.
Galit ka pa din ba? Hindi naman
Ako ang kaaway mo.

So dapat pala matuwa ako?
Na yong kasintahan ko
Nakita ko lang naman na
May kaharutang iba?

Ayan kana naman eh. Di ba
Si Jema ganun din kay Seulgi
Hindi ka namam nagseselos

Naririnig mo ba ang sinasabi
Mo? Si Jema yun Wendy. Jema
Is different.

In what way? Dahil ba BFF
Siya at Ex yong isa?

Alam mo naman pala.

Nakita kong napailing na lang ito.

Irene, if totoo talaga yang iniisip mo sana noon pa nangyari yan di ba? Sana naman bigyan mo sila ng benefit of the doubt. Sila lang ang andun, kumakapit sila sa isa't isa. Not because nakita natin silang sweet mag assume na lang tayo na may iba ng nangyayari sa kanila.

Wendy, pag ako ba ang nasa position ni Jennie and si Lisa ang kay Seulgi hindi ka ba mag iisip ng masama pag nakita mo kaming nagkaganoon?

Hindi.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi niya talaga magets ang point ko.

All i am asking is for you to trust Seulgi. Si Seulgi yun of all people.
Pagdidiin pa niya

Yun na nga Wendy eh. Si Seulgi yun, mag ex sila. They were each others first love. Kaya nasasaktan ako, kaya nagseselos ako. It should have been me if hindi lang ako pinilit ni Jennie.

Look at the brighter side kasi. Sa tingin mo ba hindi pinag isipan ni Jennie bago ka niya piniling makaalis dun? Tanong niya

Okay. Total nandito na naman tayo sa topic na yun. Sige nga. Give me a solid explanation Wendy.

Inayos pa niya ang pagkakaupo niya. Talagang handang handa siya na e defend si Seulgi at Jennie sakin.

Una, naisip siguro ni Jennie if ikaw ang maiwan dun ano na lang ang magiging reaction ng parents mo, ng pamilya mo. Alam niyang galit ang kapatid mo kay Seul, and your Mom. Isipin na lang natin na ginawa niya yun to protect your relationship. Na ayaw lang niyang mas masuklam na ang family mo kay Seulgi. She saved both of you, she sacrifice herself thinking na mas kailangan siya ni Tito Nathan dito kesa dun ni Seulgi. Hindi mo ba naisip yun? Second, alam niyang may tiwala ka sa kanya at kay Seulgi. Kasi kung naging selfish siya mas pinili niyang masave silang magkapatid kesa sayo. And lastly, alam niyang mas mapapanatag si Seulgi dahil alam niyang safe ka.

Napabuntong hininga na lang ako.

Oo matapang ka, alam naman ng lahat yun. Pero iba yong tapang ni Jennie kasi, alam niyang mas kailangan ni Seulgi ng matibay na sandalan and she's thinking that she is the fit candidate. Sa tingin mo ba kung ikaw ang nagpaiwan hindi magwawala ang Pamilya mo? Baka nga nagkagulo pa lalo, araw araw na lang siguro nagbabangayan si Tita Sofia at ang Mommy mo.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon