CHAPTER 37

38 1 0
                                    

JEMA

Papasok na sana ako sa kwarto ng parang my naulinagan akong nag uusap, or maybe nagtatalo?

Sinundan ko yong boses, i heard Dad's voice sa loob ng office niya dito sa bahay.

What's going on? Tanong ko ng makitang si Seulgi pala ang kausap niya

Namumula ang mukha ni Dad. Nakayuko naman si Seulgi.

Wala anak. Agad na lumambot ang mukha ni Dad

And why are you here SEUL?

Ah, my.. ahm, my proposal lang ako about Business. Sa

Alam ko na agad na nagsisinungaling siya.

Do you think maniniwala ako? Tanong ko

Pumasok ka Jessica. Maupo ka. Sabi na ni Daddy

I have hint naman. Pero hinintay kong sa kanila mismo manggaling.

May kasalanan ako sa yo Jem. Nakayuko pa ding sabi ni Seulgi

About you and Jennie. Inunahan ko na siya

Kapwa naman sila nagulat. Kaya alam kong about nga dun ang pinag didiskusyunan nila.

How did you know? Tanong ni Seul

I already know it 5 years ago pa. Nasa Tarlac tayo, remember? Yong first night natin dun, dun natulog si Jennie. I saw you, i saw both of you. Kissing. And hugging.

I am sorry Jema. I didn't mean to keep it a secret from you. Sa inyong lahat. Agad na humingi ng paumanhin si Seulgi sakin

Hindi naman ako galit. Nagtampo lang ako sa inyo noon dahil hanggang sa huli tinago ninyo samin. Lalong lalo na sakin Seul. I thought i am your Bestfriend. Pero nahalata ko na lang na wala na kayo dahil pareho kayong wala sa sarili. But even after that, hindi mo din sinabi sakin. Wala kang balak talaga di ba?

Umiling naman ito.

So this mean na alam mo Dad. Noon pa.
Baling ko kay Daddy

Yes. I know about it.

And bakit kayo galit kay Seul? Tanong ko

She was the one who broke up with your sister. She's the reason kung bakit nawala sa matuwid na daan ang kapatid mo. Your sister loves her so much, pero sinaktan niya lang. I trust her. Dahil kilala ko siya, kaya i never expected na magagawa niya yun.
Nagalit na naman si Daddy

Naalala ko ang sinabi ni Seul about her Mom.

Hindi kasalanan ni Seulgi na naghiwalay sila Dad.
Gulat na napatingin si Daddy

Kinakampihan mo pa siya kesa samin ng kapatid ko? Hindi makapaniwalang sabi ni Daddy

She has her reasons. Sagot ko

But she have a choice Jessica!

I know. I know Dad dahil sinabi niya sakin ang rasun. Oo nasaktan si Jennie, nasaktan ka, pero hindi mo ba naisip Dad na nasaktan din si Seulgi?

I can't believe you Jessica!

She is forced Daddy! Nalaman ng Mommy niya. And kilala mo si Tita Sofia!

Natahimik naman si Daddy.

Why you didn't tell me? Bakit hinayaan mong magalit na lang kami sayo? Tanong ni Daddy kay Seulgi

Mas gugustuhin ko na lang pong magalit kayo sakin. Naisip ko, paalis na naman kasi ako eh. Mas okay na magalit na lang si Jennie sakin, yun lang ang alam kong paraan para makamove on kaagad siya. Hindi ko gustong saktan si Jennie. Mahal na mahal ko siya. Pero magiging selfish ako kung ikukulong ko siya sa relasyon namin na hindi ako sigurado na mapapanindigan ko hanggang sa huli. Sorry kung naging duwag ako na ipaglaban si Jennie Tito. I know i promise to you na hindi ko siya sasaktan, but i failed. I am sorry, Tito, Jema. Hindi ko sinasadya.
Tatanggapin ko ang mga galit ninyo because i deserve that. Because i'm a coward.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon