CHAPTER 125

42 2 5
                                    

SEULGI

Kanina pako wala sa mood. Dikit ng dikit kasi si Mino kay Jennie. Nagtatanong na din yong mga Marites kung sino si Mino.

Kaya inutusan ko si Thirdy na bantayan ang Mommy niya.

Chill Bruh. Napakaseloso mo naman.
Kantyaw pa ni Lisa

Alam ko naman kasing wala akong panama sa lalaki niya.

Bakit di mo akitin? Dalawang taon na kayong nagsasama sa iisang kwarto ni hindi mo ginapang?

Gago ka din eh. May Boyfriend niyong tao. Tapos gagapangin ko? Eh kung sinapak ako nun at iiwan? Di ang hirap.magpaliwanag sa anak ko.

Painlabin mo ulit. Malay mo di ba. Hindi yong ginagamit mo pa ang anak mo. Tsaka papano if pakakasalan na ni Mino si Jen?
Pano mo ipapaliwanag sa anak mo na hiniram mo lang si Jennie sa iba?

Napabuntong hininga na lang ako.

Tutal ginagamit mo na naman ang anak mo. Bakit di mo na lang sagarin? Mag proposed ka sa harap ng anak mo or sa harap ng pamilya mo. Tingnan natin kung hindi yan sasagot ng OO.

NWala ka talagang kwentang kausap. Parang inutusan mo lang akong maging suicide bomber eh. Suicide yun bruh. Pano kung hindi yong sagot? Di hindi lang ako ang nasaktan. Pati pamilya ko. Lalong lalo na ang anak ko.

Siya naman ang natahimik.

Sa tingin ko bruh wala ka na talagang pag asa diyan kay Jennie. Ilang taon na din silang steady. Kita mo tanggap pa ni Mino yong sitwasyon ninyo. It only proves na malaki ang tiwala niya na hindi maiinlove sayo ulit ang Ex mo. Malaki ang tiwala niya kay Jennie kaya hindi siya natatakot.

Yun din ang iniisip ko noon pa. Nakakabadtrip lang dahil parati itong napapasyal samin.

Kailan mo ba balak na isauli yang si Jennie ha? Aba ilang taon mo nang binahay yong syota ng iba ah.

Bwisit talaga itong si Lisa eh. Parang si Deanna din kung magsalita. Mga walang pakiramdam.

Pagkatapos ng party ay nagsiuwian na din ang bisita. Mukhang makakatulog ng maaga si Thirdy dahil sa pagod.

Hindi ka na ba iinom ng milk? Tanong ko habang binibihisan ito ni Jennie pagkatapos na paliguan

No. Sagot naman niyang naghihikab na.

Hinayaan ko na silang dalawa at ako naman ang naligo. Amoy pawis na ata ako dahil sa ang init ng panahon kanina.

Ayos din ang trip ni Thirdy pag natutulog ito. Yong isang kamay nasa suso ni Jennie. Minsan nagdedede ito kahit wala namang gatas. Si Jennie naman hinayaan lang yong bata kaya nasanay na.

Ngayon ayaw uminom ng gatas pero nagdedede sa suso ng Mommy niya. Yong isang kamay naman nilalaro yong kabilang suso. Aba, sumusobra na ata itong anak ko.

Napalunok na lang ako ng masagi ng mata ko ang dede niya. Napalabas tuloy ako ng kwarto. Kumuha na lang ako ng beer sa ref.

Nakadalawang bote na ako ng may marinig akong nagsalita.

Kung ano ano ang nilalagay mo sa utak ng bata. Sita niya sakin

Ano bang sinabi ni Thirdy?
Pacool kong tanong

Seul, may sariling buhay din ako.
Hindi habang panahon andito ako.

Sorry. Natatakot lang kasi ako.

Aalis pala ako sa makalawa.

Agad akong napalingon sa kanya.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon