CHAPTER 128

31 2 0
                                    

IRENE

Nakikinig lang ako sa usapan ni Lisa at Seulgi. Bigla na lang sumulpot ang mokong ito na nakainom na.

So you think mas tama na aalis din kayo?
Tanong ng asawa ko

Thirdy needs a new environment, yong hindi niya masyadong maiisip ang Mommy niya. Kasi pag dito lang kami, hahanap hanapin niya lang si Jennie.

Naniniwala kang hindi niya hahanapin si Jennie pag nasa Cebu na kayo? I doubt it. Kahit sa dulo ng mundo mo pa dalhin ang anak mo Bruh, nakatatak na sa puso niya na si Jennie ay Mommy niya.

Ano'ng meron?
Dumating naman si Deanna na tinext ko. Mukhang mas kailangan ni Seulgi ng "Boys talk"

Itong kaibigan natin. Lilipat na daw ng Cebu. Sagot ni Lisa

So hindi mo na pala pakakawalan ang bayaw ko. Nakangiti pang sabi ni Deanna

Without Jennie.

What? Nagbreak na ba kayo?

Gago! Kelan ba naging kami?
Sagot naman ni Seulgi na hindi maipinta ang mukha

Ay! Hindi ba kayo? Hindi ako nainformed.

Natawa na lang ako. Minsan talaga kailangan din ni Seulgi ng mga kagaya ng kapatid ko na kaibigan. Yong walang sense kausap pero sa totoo lang may sense naman talaga ang pinagsasabi niya.

Seryoso kasi Deanna.
Mukhang napipikon naman na si Seulgi

Seryoso naman ako. Ikaw ang hindi maayos kausap Seulgi eh. Halos lahat kami convince naman na may something na sa inyong dalawa pero kayo lang ang may ayaw na e accept ang fact na yun.
Explain pa ni Deanna

What do you mean by that? Pakidiin nga ng piont mo. Sabi pa niya kay Deanna

C'mon Seulgi! Sinayang ni Jennie ang dalawang taon sa piling ninyo ni Thirdy. Ano sa tingin mo ang main reason niya? Naaawa siya sayo? Sa inyo? Ofcourse not!
She chose that because she loves you. Yun lang ang point dun. Mahal ka pa din ni Jennie. Bulag ka ba or sadyang manhid ka na talaga?

Labo mo namang kausap.

Natawa na talaga ako. Mahihirapan talaga silang kumbinsihin ang mokong na to. Matigas kasi talaga ang ulo ni Seulgi. Kung ano lang yong gusto niyang paniwalaan yun lang ang paniniwalaan niya.

Gago ka talaga. Ikaw ang malabo eh. Naghihintay na lang siguro si Jennie na magpropose ka noh.
Sabi pa ni Deanna

Magpropose? Labo ka talaga! Eh my boyfriend yun! Tanga mo naman. Sabi pa niya kay Deanna

Eh ano naman kung may boyfriend? Boyfriend palang naman Seulgi. Kung may balak ka talaga kay Jennie gawin mo na bago ka pa maunahan. Kasi baka magpropose na si Mino, bahala ka talaga sa buhay mo.

Ano?

Mukhang nagising naman siya sa sinabi ni Deanna.

Andun sila ngayon sa bahay nila Jema. Si Jennie at Mino. And sa tingin ko, ngayon niya na hihingin ang kamay ni Jennie. Umalis lang ako dahil tinawGan ako ni Ate.

Nagulat pa kami ng bigla naman itong tumayo.

Nag apir naman si Lisa at Deanna. Lokong mga to, mukhang nag imbento lang pala ng kwento.

Napasunod naman kaming tatlo.

Oh, full force?!
Natatawa naman na nagtataka si Jema kung bakit pati kami andun nakasunod

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon