JEMA
It's been awhile na nagkaroon kami ng ganitong pagkakataon ni Jennie. Magkasama kasi kami sa room. Akala ko nga aayaw pa
Siya eh.Naghihintay din ako na may magrereact isa man sa kanila ni Irene na si Joy ang kasama ni Seulgi sa kwarto.
Tama na. Saway ko ulit kay Seulgi ng magbukas na naman siya nang pang apat na bote
Last promise.
Kanina last din yun. May bukas pa Seul.
Napabuntong hininga na lang ito. Kinuha naman ni Solar ang nabuksan ng bote.
Sayang din to. Sabi pa ni Solar
Tahimik lang si Jennie na kumakain. Himala ding hindi kumuha ng alak.
Sige na. We need to rest na. Maaga pa tayo bukas. Mauuna na kami. Paalam na ni Wendy
Sige tol. Susunod na kami. Sagot naman ni Seulgi
Mauna na kayo. Maglilinis pako. Sabi ko naman
Goodnight Fam. Maarte namang sabi ni Joy at nagabrisete na kay Seulgi
Lika na Hubby. Gawa tayo ng junior.
Joke niya kay SeulgiTalaga bang walang makikipagpalit sakin?
Kunyari natatakot din si Seulgi kay JoyKaya mo yan. Sagot naman ni Nayeon
Nagpahila pa ito kay Joy papasok ng kwarto nila.
Loko loko talaga yang si Ligaya. Kung wala lang syota yan iisipin ko ding may pagnanasa din yan kay Seulgi eh. Sabi ni Solar ng wala na ang dalawa
Siraulo lang talaga yun. Kung may iba tayong kasama dito maniniwala na lang na magjowa sila. Natawa pang sabi ni Nayeon
Nagtotoothbrush si Jennie ng makapasok na ako sa kwarto namin. I really want to talk to her, pero mapupuyat kami. Ala una na kasi. At ilang oras lang ang itutulog namin.
Parang wala naman itong pakialam sakin dahil tiningnan lang ako at deretso na sa kama niya.
Kinabukasan ay maaga naman kaming nagising thankfully walang mahirap gisingin.
Nakatulog ka ba? Tanong ko kay Seul dahil mukhang antok na antok pa ito
Nahirapan yang makatulog. Nag aadjust pa ang katawan niya. Sagot ni Joy
Mga 2 hrs. Lang siguro ang tulog ko. Sagot nanman niyang hikab ng hikab.
Magdala ka na lang ng shades para hindi sumakit ang mata mo. Bilin ko
Halos lahat naman kami ay nag enjoy sa paglilibot sa mga isla na nakapalibot sa Boracay. Buti may dala kaming Photographer kaya posing dito posing doon ang ginawa namin.
Mukha din kaming hindi nakakain pagdating namin sa Buffet table. Yong mga pinggan namin, naku parang hindi mga babaeng slim ang mga katawan.
Nagkatinginan na lang kami at nagsitawanan ng makitang halos lahat kami puno ang pinggan. Akala mo naman hindi pwedeng bumalik para kumuha ulit eh.
Inaantok na talaga ako. Reklamo na ni Seulgi ng mauna siyang nakatapos sa pagkain
Lika na Hubby. I am done too. Sabi naman ni Joy at hinila na patayo si Seul
Wake up us nalang later. Maarteng sabi niya
Ang clingy nito kay Seul ng paalis na sila kaya napapatingin naman ang ibang tao doon. Kami na lang ang nahiya sa trip ni Joy.

BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022