CHAPTER 28

41 1 0
                                    

IRENE

It was already 5 years since umalis sina Chanyeol at Seulgi. Ganun na din katagal na hindi ito nagparamdam sa isa man samin.

Humihingi kami ng update kay Jin through Chanyeol, pero napakadamot din ng isang yun.

Lahat kami ay nagtaka, okay naman kasi kami before sila umalis. Nagpadespidida party pa nga sila sa bahay nila.

Okay din kami ng araw na umalis na sila. Pero nagbago ang labat simula din noon.

Dito pa naka Graduate ng Highschool si Seulgi sa St. Martin. Hindi ko din parati madatnan si Tita or Tito sa bahay nila na parang umiiwas din samin.

What happened Seul? Kausap ko sa picture naming tatlo ni Jema

Nakagraduate na ko ng Accountancy. Ngayon nagrereview ako para makakuha ng lisensiya.

Mas nauna si Jennie na umalis noon kesa kay Seulgi. Ngayon palang siya gagraduate dahil bigla itong nagbago.

Naging sakit ng ulo si Jennie ng makatapak na siya sa Manila. Naging laman ito ng club, party dito, party doon. Bibihira na ding umuwi dito sa Bulacan.

Kung umuwi man, hindi naman nagpapakita samin. Nagkukulong sa kwarto, or doon sa bahay nila Lisa tumatambay.

Lisa is a changed woman too. Na accelerate ito kaya napasabay kina Joy na gumradweyt ng Highschool.

Sa La Salle naman ito ng College.Pero kahit nasa Manila hindi siya nahawa sa pagiging Partygoer ni Jennie, parang nagkapalit sila ng katauhan.

Dahil mahilig pala si Lisa sa photography, yun ang tinapos niyang Course. Course ng pangmayaman talaga. Wala din naman itong balak magtayo ng Photography Studio. Oh di ba? Astig lang.

Namiss mo na noh? Nakita ako ni Deanna
Na hawak ang larawan namin

Sigurado ka bang wala kang tinatago sakin? Tiningnan ko siya sa mata pero agad itong lumabas ng kwarto ko

Hoy! Kinakausap pa kita!

Nagrereview ka di ba? Kaya ayokong makaistorbo! Sigaw din niya

Alam kong may alam siya. Kilala ko siya pag nagsisinungaling. Pero hindi ko talaga siya mapiga.

She has the ways para hindi ko siya makorner. Lalo at sa Ateneo De Manila siya nag aral. Minsan lang din kami nagpapang abot.

Ako kasi sa St. Martin nag college. Ayoko sa Manila to begin with. End of discussion.

Napakunot noo ng makita kong tumatawag si Jema. Bibihira na din kasi kaming mag usap dahil sa pagiging Volleyball Star niya. Sila ni Deanna. Kaya busy ito.

Yes?

Irene. Labas dali!

Ha? Saan? Andito ka ba
Sa bulacan?

Alangan palabasin kita tapos
Nasa Manila ako? Ano akala mo
Sakin prankster?! Dali na!!!

Oo na. Halos madapa pako habang nagsusuot ng tsinelas

Bakit ba? Tanong ko pa habang palabas ng sala

Basta! Bilis pa! Kinawayan niya na ko ng makitang papalabas ma

Oh. Tanong ko ng nasa harapan na nya ako

Surprise!!! Sigaw niya sakin

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon