IRENE
Isang buwan ng walang balita kung ano na ba ang nangyari kay Seul at Jen. Yong device ni Seul nakita sa pinagdalhan saming bahay na nasa loob lang pala ng Bulacan.
Naaawa na din kami kay Tito Nathan dahil nangayayat ito sa pag aalala kay Jennie.
Papunta ako ngayon kay Wendy para humingi ng updates. My Bodyguard na din ako.
Driver/BodyguardSorry Rene. Pero wala pa talagang lead. The last time na update is ganun pa din, na isinakay nga sila sa chopper. Pero walang nakapagturo kung saan sila Dinala.
Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko ding maniwala na pinatay sila as long na walang narecover na katawan
Masisiraan na ata ako ng bait Wend. Nagsisisi ako kung bakit imbes na ako ang maiwan, hinayaan ko si Jennie.
Stop blaming yourself.
Ano'ng klaseng girlfriend ako?
Irene, huwag kang panghinaan ng loob. Sabi niya
Yun na nga eh. I am trying to act tough pero yong totoo nawawalan na kasi ako ng pag asa eh. Isang buwan na. No, 5 weeks na silang nawawala. Wala man lang indication kung buhay pa ba sila or what dahil nanahimik na din yong Pacita. Hindi na din mahanap kung nasaan ang babaeng yun, kahit si Eugene or Tzuyu. Tapos suspect pa si Jackson na wala naman palang kinalamam.
Pasasaan ba at makakakuha din tayo ng update.
Kamusta nga pala si Jackson? Tanong ko
Naibigay naman niya lahat ng kailangang proof ng investigator na patunayang inosente siya. And yong tauhan ni Pacita, isa siya sa mga regular costumer ng Paraiso. Kumanta na siya. Yong phone na gamit niya hanggang ngayon wala ding tumatawag. Yun na lang ang pag asa natin. Pero mukhang natunugan na nasa police custody na siya.
Mababaliw na talaga ako. Araw araw na lang din ako sinisermunan sa bahay, puro na lang si Seulgi yong sinisisi nila. Hindi na lang magpasalamat na okay ako dahil din kay Seulgi. Ewan ko ba kung bakit galit na galit ang mga yun. Iniisip ko na lang minsan baka si Mommy din yong mastermind eh.
Natawa naman si Wendy sa sinabi ko.
Nakapasyal ka ba kay Tito Nathan? Tanong niya sakin
Araw araw akong bumisita sa kanya. Buti na din at nagretire na si Jema as a professional volleyball player para may mag aalaga sa Dad nila. Pero nag aalala din yun sa Daddy nila, minsan kasi mahirap pakainin. Puro si Jennie ang hinahanap.
Tahimik lang si Wendy.
Nauubusan na din ako ng encouraging words kay Tito. Ngumingiti naman siya, pero ang tamlay na nga niya ngayon. Parang naging 70 years old yong itsura niya. Sabi ni Wendy
Oo nga eh. Si Jennie kasi bakit siya yong nagpaiwan eh. Alam naman niyang mas kailangan siya ni Tito kesa kay Seulgi.
Ganyan talaga pag mahal mo.
Natigilan ako sa sinabi niya. Iba kasi ang interpretasyon ko sa sinabi niya.
I mean si Tito kay Jennie. Agad niyang clear sa sinabi niya
Pero iba talaga ang meaning ng sinabi niya. Alam ko ding naging close sila ni Seulgi, kaya parang may alam ito. Nararamdaman ko.
Prangkahin mo nga ako Wendy. Mahal pa ba ni Seulgi si Jennie?
Nakita kong napalunok ito. Kaya alam ko na ang sagot kahit hindi na siya magsalita.
Hindi mo naman kailangang maglihim sakin. Nararamdaman ko din naman yun minsan, iba kasi sila kung magtitigan. Kahit ano'ng iwas nila mahahalata namang meron pa silang feelings. And i caught them once.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
Ficción GeneralHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022