CHAPTER 65

28 1 0
                                    

JENNIE

Hiyang hiya talaga ako kay Seulgi at Irene dahil sa ginawa ni Lisa. Buti na lang, walang malalang nangyari dito.

Ano'ng klaseng mukha yan. Tanong ni Seulgi sakin

Nahihiya kasi ako. Okay ka lang ba? Hindi ba mahirap huminga? Parang ngongo kasi siyang pakinggan

Medyo mahapdi lang pero tolerable naman. Sorry kung nag away kayo dahil sakin.

Ako nga dapat magsorry eh. Naperwisyo pa kita. Ano na lang sasabihin ni Tita at Tito.

Maiintindihan naman nila. Tsaka wala kang kasalanan. Nagmagandang loob ka lang. Kung alam ko lang na mabubogbog pala ako sana niyakap na lang kita talaga para may rasun.

Gusto mo bang mabugbog ulit? Tanong kona lang na natatawa

Chill. Ano'ng sabi pala ng Doctor? Makakalabas ba ako ngayon?

Yeah. Clear naman lahat ng results mo. Pero kaya mo bang bumiyahe? Tanong ko

Kaya naman. Sa bahay na lang ako magpapahinga. Nakakahiya naman sa inyo. Alam kong may mga trabaho na kayo bukas.

Sus, trabaho lang naman yun. Mas importante ka na man dun. Sagot ni Joy

Salamat sa inyong lahat. Tawagin niyo na lang yong Doctor para ma release na agad ako.

Ako na. Sabi naman ni Wendy

Inalalayan siya naming maupo.

Oohhhh. Bigla atang sumakit ang ilong niya

Dahan dahan lang. Saway ni Irene

Dinalhan nilang kita ng unan para sa biyahe mamaya. Baka kailangan mong ihiga yan. Sabi ni Joy

Thank you.

Tiningnan naman ito ng Doctor at ininterview. Ako na lang ang nag asikaso ng Bill niya, pero nabayaran na pala ni Wendy. Nahiya din sa ginawa ng Bestfriend niya

Sa pinakalikod sila ng Van ni Irene. Nahiga ito sa hita ni Irene, hindi din mabilis ang pagpapatakbo dahil maraming undag ang daan.

Seul gising ka ba? Tanong ni Joy

Yes. Why?

Hindi ba kayo nagugutom? Wala pa tayong kain.

Kung hindi nagtanong si Joy hindi ko din naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko

Gutom nga ako eh. Okay lang if mag stop over tayo. Sagot naman ni Seulgi

Nagshades at mask na lang si Seulgi. Parang ako ang nasasaktan sa kanya. Pumipikit kasi ito tuwing lumulunok.

Pampatulog tong gamot mo. Iinom kana ba? Tanong ni Irene

Mamaya na lang. Baka mahirapan kayong gisingin ako. Kakain na lang ulit ako sa paraiso.

Nasabon kaming lahat ni Tita Sofia pagdating namin sa bahay nila.

Seulgi, my decision is final! Babalik tayo ng Canada. Whether you like it or not. Hindi na safe sayo ang Pilipinas.

Pero Mom. Andito ang negosyo at mga kaibigan ko.

No more reasoning. Nasabihan ko ang pinsan mo na siya na muna ang bahala dito. Ilang beses na tayong nag usap about this. Next week magiging okay na ang mga papeles natin. Kung ako sayo, better start packing your things.

Nagwalk out naman si Seulgi.

Kausapin mo yang jowa mo Irene. Kung gusto mong sumama you are welcome.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon