SEULGI
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa balitang bakla si Mino. Mas nanaig sakin ang tampo eh, dahil niloko niya kami. Niloko nila kami...
Nakaalis na ang lahat pero nanatili akong tahimik lang.
Anak.
Tawag ni Mama at DaddyYep.
Bakasyon naman. Baka pwedeng dumito na muna si Thirdy. Para makagalaw ka naman ng walang inaalala. Sabi ni Mama
Tawagin ko po si Thirdy. If gusto niyang magpaiwan okay lang po sakin.
Kakatapos lang siyang paliguan ni Jennie.
Anak, after mong magbihis puntahan mo ko sa Veranda ha. Gusto kang kausapin ng Lolo at Lola mo.
Okay Mamu. Isasama ko po si Mommy.
Okay.
Hindi ko tiningnan si Jennie. Masama pa din ang loob ko.
Susunod na po sila. Kamusta naman po ang tuhod niyo Dad?
Nakukuha naman yong sakit pag nakainom ako ng gamot. Pero kumikirot pag masyadong malamig, kaya hindi na kami gumagamit ng aircon.
Dahil yun sa pagkakabaril niya noon. May bakal kasi sa loob kaya ngayon, dinadamdam niya ito.
Ano bang sabi ng Doctor? Tanong ko
Normal lang daw ito nak. Talagang magiging ganito na to.
Malungkot na sabi ni DaddyKaya mo pa ba magtrabaho Dad? Baka mas bagay sa inyo ni Mama na doon sa Resort.
Ayos na kami dito Nak. Wag ako ang problemahin mo. Ikaw? Kamusta ka?
Sabi ni DaddyAyos na naman ako Dad, Ma. Huwag din ako ang alalahanin ninyo. 36 na ako. Tsaka, nawala na din ang tanong sa isip ko lalo at nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Sana.
Hindi naman yun ang tinatanong ko. Nalaman na din namin ang katotohanan about kay Mino. Sabi naman ni Mama
Ah yun ba?. Dapat ba akong magreact? Wala namang masama sa pagiging bakla.
Alam naming alam mo ang ang tinatanong namin Seulgi. Sabi naman ni Daddy
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na ako nakasagot dahil dumating na si Thirdy.
Thirdy anak. Gusto ng Lola at Lolo mo na maiwan kana dito dahil wala na namang pasok. Sabi ko depende sa desisyon mo.
Tumingin naman si Thirsy sakin, kay Jennie, kay Daddy at Mama.
Mommy if maiiwan ba ako dito, magpapaiwan ka din po? Tanong na muna niya kay Jennie
Nagkatinginan naman kami ni Dad at Mama.
Syempre naman. Kung nasaan ka doon ako.
Nagtataka namang sagot ni JennieLolo, Lola sorry po. Kasi if maiiwan kami walang kasama si Mamu sa resort. Hindi na naman siya makakatulog sa gabi, magskiskip na naman siya ng meals niya, parati na naman siyang iinom para makatulog siya. Tapos magtatrabaho lang siya ng magtatrabaho.
Napamaang nalang kami sa sagot ng anak ko
Promise i will not do that. Sagot ko
Mamu, ayokong nag iisa ka. Sabi mo nga di ba ako ang strength mo? So papano ka na if malayo ako?
Ahh, anak kaya naman ni Mamu. Ilang buwan lang naman. Tsaka walang kalaro si Cha cha dito. Hindi mo ba namimiss ang Kuya Wil mo? Di ba sabi mo namimiss mo ng kalaro sila? Tanong ko

BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022