CHAPTER 25

52 1 0
                                    

IRENE

Buong umaga kaming naging busy sa pag aassist sa mga bata. Ang gugulo kasi, ang iingay. Sobrang dami din nila siguro mga 300 to 400. From 7 to 15 yrs. Old.

Nakaupo na kami dahil kakatapos lang ng Morning activity at naghihintay na lang kami ng turn para kumuha ng pagkain.

Napatingin naman ang lahat ng my dumating na Puting Van.

Waaahhhhh... React ni Deanna, Lisa, Wendy at Seulgi ng may matangkad na babaeng bumaba

Parang modelo. Rinig kong sabi ni Wendy

Anak yan ni Mr. Chou. Sabi ng dalagang kasama din namin. Nakalimutan ko ang pangalan niya.

May katapat ka na. Sabi pa ni Seulgi kay Joy

Mas maganda naman ako noh. Sagot din ni Joy

Nagtataka ako kung bakit parang dito siya pupunta samin?

Hi Seulgi. Kaagad na nagsalubong ang kilay ko

Talagang dinaanan niya kaming nasa harapan at deretsong binati si Seulgi na nasa likurang bahagi.

Oh Hi. Sorry, do i know you?

Tzu-yu Chou. Anak ako ni Yi Cheng Chou, yong presidente ng homeowners.

Ahhh. Nice meeting you. Kuya ko pala si Chanyeol, mga kaibigan ko, Jennie, Jin, Jema Kim, Irene and Deanna Wong, Joy Wendy, Lisa and Kapatid niya si Chaeyeon.
Isa isa ni Seulgi samin

Nice meeting you all. Thank you pala sa lahat ng mga tulong. Sorry kung nahuli ako kasi kakadating ko lang from Manila.

Naparolled eyes lang kami ni Jema dahil sa pagkamaarte niyang magsalita. Tapos si Seulgi lang naman ang tinitingnan niya.

Hope to see you again Seulgi. Paalam na niya na tiningnan lang kami pero nakipag shakehands kay Seulgi

See you soon. Agad naman kinuha ni Jema ang kamay ni Seulgi dahil parang ayaw bitawan ni Tzuyu

Yeah. May paghawi pa ito ng buhok bago umalis

Nilingon ko si Seulgi. Busy ito sa cellphone niya na parang walang nangyari. Buti naman. Ganyan talaga si Seulgi, manhid.. char.

Ganda tol. Sabi ni Deanna kay Lisa

Mas maganda pa din si Jennie. Sagot naman ni Lisa

Mas maganda kaya si Irene. Maliit lang kaso.

Sinamaan ko ng tingin si Wendy. Agad naman itong umiwas ng tingin na parang walang sinabi.

Natawa naman si Deanna.

Yari ka. Rinig kong sabi niya kay Wendy

After ng lunch ay nagsimula ng magsidatingan ang mga Bus. Kaya kanya kanya na kaming pwesto.

Ang harot din ng babaeng yun. Rinig kong sabi ni Jema dahil magkatabi lang kami ng mesa

Tinabihan pala talaga ni Tzuyu yong mesa nila Seulgi. Nasa hulihan kasi sila Jema.

Halos hindi ko na maramdaman ang binti ko sa sobrang pagod. Alas singko ng matapos na din sa wakas.

Kanya kanya na kaming upo at masahe ng paa. Except syempre sa mga athleta naming kasama na hindi man lang nakitaan ng pagkapagod.

Mukhang magkakajowa si Utol. Parinig ni Chanyeol samin

Oo nga. Bagay naman sila. Di ba sis? Pambwibwisit din ni Jin kay Jema

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon