Chapter Twenty

475 24 0
                                    

Chapter Twenty:

[Aiken PoV]

"What's your plan?" Naiangat ko ang paningin Kay Tito ng mag salita ito. Hindi man lang nag abalang tumingin saakin dahil busy ito sa pag rereview ng mga ibedensya ng kaso na ngayon ay hawak nila.

"Plan?" Kunot noong tanong ko rito na siyang dahilan kung bakit niya ako tinapunan ng tingin.

"Yes Aiken plan. don't you remember? Death anniversary ng Kuya mo ngayon" Naka ngiti ngunit batid kong seryoso ito na siyang dahilan kung bakit ako natigilan

"Mukha ngang nakalimutan mo" muli nitong sabi ng walang nakuhang sagot mula saakin. Naiibaba ko ang paningin dahil sa hiyang bumalot saakin, how come na nakalimutan ko kung anong meron ngayon?

"Sige na bisitahin mo na siya" nabalik ako sa ulirat ng muling mag salita si Tito, tango na lamang ang naisagot ko rito at saka lumabas ng opisina nito.

Bakit ko nga ba nakalimutan? Wala sa sariling sumakay ako sa motor ko at tinahak ang lugar kung saan ko siya dadalawin.
Huminto ako sa nadaanan kung flower shop at ng makita ko ang paborito nitong bulaklak ay saka ako nag tuloy tuloy sa pag byahe.

⊰⊱⊰⊱⊰⊱

Hampas ng hangin ang siyang sumalubong saakin pagkahubad na pagkahubad ko ng helmet. Napasinghap ako ng muling mamasdan ang paligid.  Malayo na ito sa syudad at nasa taas pa ng burol kaya tanaw na tanaw ang kagandahan ng paligid.

"Psh" naiusal ko ng makarating na sa kanyang puntod. Nakamot ko ang batok ng marealize ang sinabi, seriously Aiken? Nag pakawalan muna ako ng malalim na bugtong hininga saka inilapag ang bugkos ng bulaklak sa tabi ng lapida nito.

Pabagsak kung inupo ang sarili sa lupa saka muling nag pakawala ng bugtong hininga.
"Hey..." nakamot ko muli ang batok ng walang mahanap na sasabihin. Bakit ba kase nakalimutan ko?

"Aish... F*ck him dahil talaga ito sakaniya, siya ang dahilan kung bakit ko na kalimutan" muli na naman sumagi sa isip ko ang nangyari Nung nakaraang Araw, ang pag lapat ng labi niya saakin ay siya ring dahilan kung bakit tatlong Araw na malamig ang pakikitungo ko sa kaniya at dahilan kung bakit tatlong Araw naring wala ako sa sarili.

Kung bakit ganun na lamang ang epekto noon ay hindi ko alam gayong hindi naman siya ang una kong halik. Wala sa sariling hinawakan ko ang labi at muling inalala kung gaano kalambot ang labi niya.

"Aish! Get back to your sense Aiken!" Ginulo ko pa ang buhok at saka inihiga ang sarili sa lupa na binabalot ng maliliit na damo nasiyang dahilan kung Bakit hindi ko proproblemahin na madudumihan ang suot kung damit.

Muli ay nag pakawala ako ng bugtong hininga at pilit winawaksi sa isip ang mga alaala at saka pinag tuunan ng pansin ang dahilan kung bakit ako narito. "Hey... how are you?" Gumuhit ang isang ngisi sa labi ko habang na katingala sa langit na para bang naroon ang kausap.

"Fine sorry, okay? Nakalimutan ko" naiusal ko ng humampas saakin ang malamig na hangin na para bang ipinapahiwatig nito na naiinis saakin ang kapatid ko.

"I brought you a flower don't be mad, okay?" Muli ay sabi ko ng mag tuloy tuloy ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Ang kaninang ngisi ay na tuloy sa isang magandang ngiti ng huminto ang malakas na hangin at mapalitan ng katamtaman.

"Kung hindi ka ba naman nasisiraan ng isip...edi sana ako ang nariyan" wala sa sarili kong sabi at saka ko ipinikit ang mga mata.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon