Chapter Thirteen:[The culprit Pov]

523 20 0
                                    

Chapter Thirteen:[The culprit Pov]

"Papa" malambing nitong Usal saka nilapitan ang matanda na nakaratay sa isang malaking higaan nanghihina na dala ng karamdaman na habang tumatagal ay patuloy na lumalala.

"Hindi ka raw kumain" malumanay muli nitong sabi sa ama at umupo sa tabi ng higaan ng ama

"Hindi malulunasan ng pagkain ang sakit ko" saad ng lalaki na kahit ng hihina na ay naroon parin ang diin nito sa bawat salitang binitawan, napabugtong hininga ang babae dahil sa sinabi nito

"Don't worry papa kumikilos naman ang mga tauhan ko" napatiim banga naman ang matanda saka iniikot ang paningin sa anak nito

"I cant wait any longer" galit na sabi nito sa anak

"I know" saad nito. Nang matapos na ang pag uusap nilang mag ama ay lumabas narin ang dalaga at pumunata sa sala kung nasaan ang mga tauhan nito na kababalik lang

"Nagawa niyo ba ang pinapagawa ko?" Bungad na tanong niya sa mga ito napakamot naman ng batok ang isang lalaki dahilan para mangunot ang ulo ng dalaga

"Wag nyong sabihin di Nyo nagawa?!" Bulyaw nitong saad na nakapagpatungo ng mga ulo ng mga ito

"Bw*sit! Mga Gung*ong!" Nag aapoy sa galit na saad nito saka Pabagsak na umupo sa pang isahang upuan

"Ka simple simple lang ng pinapagawa ko hindi Nyo pa nagawa! Mahirap ba ang kumuha ng impormasyon ng isang Tao?!" Nangangalaiting tanong nito saka binalingan ang mga tauhan ng kulang na lang ay maputol na ang mga leeg kakayuko

"Walang impormasyon ang lumabas tungkol sa Aiken Scot na yun Boss kahit ano ay wala" lakas loob na saad ng lalaki na siyang namumuno sa mga tauhan nito

"Paanong wala?!" Muling bulyaw nito sa mga tauhan

"Imposibleng wala!" Lumalabas na ang mga ugat nito sa leeg kakasigaw kaya wala na muling nagtangkang mag buka ng bibig. Napabugtung hininga nalamang ang dalaga saka madiin na ipinikit ang mga Mata upang pigilan ang pagpupuyos ng kaniyang galit

"Pamangkin siya ni Antonio" isang baritong boses ang dahilan kung bakit napamulat ang dalaga isang lalaking maskulado ang syang ngayong nakatayo sa bukanan ng pintuan at may bitbit na isang brown envelope

"Iyon ang impormasyon na nakuha ko,my queen" saad nito saka hinalikan ang kamay ng dalaga kusa namang gumuhit ang isang ngiti sa labi nito hindi dahil sa ginawa ng binata kundi dahil sa narinig mula rito

"Kung gayon siya ang kakambal ni Aya" tumango naman ang binata upang ipahayag na tama ito

"Hindi ka na mahihirapan dahil nagsamasama na silang lahat mabilis lang ang Gagawin mong paghihiganti" lalong lumawak ang ngiti nito tama ang lalaki nag bunga lahat ng kaniyang ginawang paghihintay dahil dumating na ang Araw ng paghihiganti niya maniningil na siya sa mga utang nila kaya magsaya kayo mga Montefiore dahil nabibilang na lamang ang Araw niyo.

"Halik ibalita natin sa papa, kung paano mo nakuha ang impormasyon na yan ay hindi ko na itatanong pa" masayang saad nito saka kumapit sa braso ng lalaki at sabay silang nag lakad patungong silid kung nasaan natutulog ang ama nito.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon