Chapter Twenty Eight: [The prologue of her vengeance]
{Her PoV}
"Imbitado tayo sa kaarawan ng unico iho ng mga Montefiore" kusang lumandas sa labi ko ang isang ngiti ng sabihin ito ni Calvin.
"Kung gayon ay talagang lalabas na ako at mag papakilala sakanila? Maganda, at nang makita ko ng maaga ang paghihirap nila" animo'y nakikita ko na ang tagumpay dahil sa sinabi.
Muling na nuot sa alaala ko ang nakaraan dahilan para mag tiim banga ako, sumama ang mukha at itinuon ang atensyon sa malayo. Kusang bumalik sa alaala ko ang mapait ng nakaraan kung saan ang Montefiore ang dahilan ng pag hihirap na dinanas namin.
"Balak mo lang bang maupo riyan?" Natinag ako ng may mag salita sa likuran.
"Papa" kusang lumabas ang salita ng makita ko ang ama na nakaupo sa wheelchair at tulak tulak ng isang private nurse. Tuloy ay agaran akong na patayo mula sa pag kakaupo.
"Dapat ay sinisimulan mo na ang pag plaplano kung paano ka kikilos sa harapan nila! Aba! Alangan naman na ganyang hindi ka pa nakikipag kita ay kitang kita na ang dahilan mo! Ganyan ka kikilos?!" Naiyuko ko ang ulo ng sabihin niya ang mga salitang binitawan
"Patawad papa" ang siya lamang naiusal ko, kahit ng hihina ay nagawa niyang mag tiim banga at ikot ng mag isa ang gulong ng sinasakyan saka lumapit saakin.
"Tandaan mo Almara huwak ka mag papadala sa galit! Magiging Walang silbi ang pinag hirapan mo, pinag hirapan ko at ng lolo mo!" Dinuro duro niya ako habang nag sasalita. Tuloy ay wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang.
Taranta akong napaangat ng tingin ng bigla ay umubo ito at kasunod noon ay ang pag dura niya ng dugo. Akma sana akong lalapit ng mag angat ito ng tingin at masama ang ibinato saakin
"Bilisan mo ang pag kilos! Gusto ko makita ang pag hihirap ng mga iyon!" Kahit Hirap na Hirap ay nagawa pa nito akong sigawan saka sumenyas sa nurse na siya namang agarang lumapit upang itulak siya pa balik sa silid.
Pa bagsak kung iniupo muli ang sarili sa sofa habang sapo ang noo. What did you do Almara! $tup!d naihilamos ko ang mga palad sa mukha at saka ibinaling ang atensyon sa harapan.
"Alfredo!" Agad namang lumapit ito saakin na nakayuko ang ulo nag pa kawala muna ako ng malalim na bugtong hininga saka siya inutusang tumingin ng deretso saakin, na siya naman sinunud nito.
"Ihanda mo ang mga tauhan dalhin sila sa conference room may bago akong ipapagawa" tumango ito saka nag paalam nang umalis. Siya namang pag lapit ni Calvin na hindi ko alam ay nandito pa pala
"Anong balak mo?" Tanong nito. Tiningnan ko muna siya saka iniabot ang wine na Naka patong sa lamesa at saka nag salin sa baso.
"Kelan ang celebration?" Saad ko rito matapos inumin ang wine.
"Tatlong Araw mula Ngayon"Inubos ko muna ang laman ng baso saka ito ipinatong sa lamesa, saka ko muli siyang binalingan ng atensyon." Ipapakuha ko ang ampon ng mga Montefiore isang Araw bago ang selebrasyon"
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
General FictionPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...