Chapter Fifty Four:[CONTINUATION]
{THIRD PERSON POV}
"Anong problema Montefiore? Pagod ka na ba?" Naka ngising tanong ni Almara Kay Greg na Naka higa na sa sahig. Pero Naka ngisi man siya ay bakas sa Tono ng pananalita niya at sa mga mata niya ang galit na emosyong nararamdaman talaga. "Alam mo bang napaka tagal Kong hinintay ang araw na ito? Kaya wag ka munang bibigay dahil Hindi pa tayo nag sisimula" dugtong nito saka iniangat ang mukha ng matanda.
"Get your hands of on him Almara!" Ibinaling niya sa nag pupumiglas na si Asher ang paningin. Hawak hawak ito ng dalawang tauhan niya sa may braso at Naka higa sa sahig. Muling ipinadapo ni Target ang kamao niya Dito. "Manahimik ka Asher. At manood." Bininalik niya ang atensyon sa matanda. "Naalala mo ba? Ang lolo ang dahilan kung bakit nasa mataas na lugar ang kumpanya mo? Siya ang dahilan kung bakit ka Naka higa sa mamahaling kama" bakas ang galit sa tono ni Almara at muli sanang ipapadapo ang kaniyang palad sa mukha ni Greg pero may Biglang tumulak sa kaniya.
Dahil Hindi niya iyon inaasahan ay nawalan siya ng balanse at na tumba. Pag baling niya sa tanong tumulak sa kaniya ay si Asher na inaalalayang tumayo ang lolo nito. Ibinaling niya ang tingin sa mga tauhan na inatasan niyang kumapit Kay Asher. "Mga walang silbi!" Sigaw niya sa mga ito. Inalalayan siyang tumayo ni Aiken. "Thanks" matamis itong ngumiti saka hinalikan si Aiken. Isang matamis na halik. Napako rito ang atensyon ni Asher, mukhang Alam na niya ang sagot sa tanong nakanina pa bumabagabag sa kaniya. Ngayon Alam na niya kung bakit sumama si Aiken sakanila.
"Hmm its sweet" nabalik siya ng marinig Muli ang pag salita ni Almara. May matamis na ngiti na ito sa labi at tapos na rin ito makipag halikan Kay Aiken. Ayaw man niyang aminin pero nasaktan ng lubos si Asher sa nakita. Pero ano bang magagawa niya? Lalaki siya, lalaki si Aiken normal lang na mag kagusto ito Kay Almara Addison dahil maganda naman ito. "Naibigay ko na ang kailangan ninyong halaga Almara. Tumupad na rin ako sa usapan na pumunta mag isa. Kaya tuparin mo rin ang sayo" naibaling niya ang atensyon sa matanda na siyang nag pabalik muli nang kaniyang galit.
"Hah nahihibang ka na Montefiore? Hindi ka makakaalis Dito ng humihinga! Kagaya ng ginawa mo sa lolo!" Nangangalaiting nitong sagot saka inilabas ang baril na matagal na niyang hinanda para sa araw na ito. Ang araw ng paniningil niya. Ang araw na maibibigay na niya ang hustisya para sa lolo niya. Ang araw na matagal na hinintay ng ama niya. At ang araw na dudumihan niya ang mga sariling kamay upang kunin ang buhay ng mga taong nag pahirap sa kanila. Ang araw ng kamatayan ni Greg Montefiore.
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
Ficțiune generalăPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...