Chapter Twenty One:
{THIRD PERSON POV}
Tinatahak na ni Aiken ang daan pabalik ng Syudad hindi niya namalayan na Naka Tulog siya kaya malamlam na ang paligid ng nagising siya. Apat na oras pa ang byabyahein niya pabalik kaya hindi na katakataka na tuluyan ng lumubog ang Araw ng makauwi siya.
Masasayang halakhak ang siyang sumalubong sakaniya pag pasok ng mansion ng mga Montefiore. Nahinto ito ng tuluyan na siyang mapadako sa sala kung nasaan ang lahat at ang bisita.
"Aiken mabuti at narito kana, halika" paanyaya sakaniya ng matandang Montefiore. NASA baba ang paningin na sumunod si Aiken.
"This is Aiken my grandson's bodyguard" pagpapakilala nito sa mga bisita isang may edad ngunit may itsurang lalaki at isang may edad narin na babae nguti halata parin ang kagandahan nito Nung kabataan. Hindi ganoon kaelegante ngunit kagalang galang kung titingnan.
Inilahad ng lalaki ang kamay Kay Aiken na siya naman tinanggap nito. Natuon ang atensyon nila sa dalawang Tao na tumatawa habang pababa ng hagdan. Si Asher ito at Isang magandang babae Pareho silang tumatawa ngunit mahinhin ang paraan ng pag tawa ng dalaga.
Nahinto lamang Si Asher sa pag tawa ng maituon ang atensyon Kay Aiken na nakatingin rin sakanila. Sandali ay nabalot sila ng katahimikan sa hindi malamang dahilan.
"Handa na po ang hapunan" tinig ng isang kasambahay ang siyang bumasag sa katahimikan tumikhim muna ang matandang Montefiore saka nag salita at iginaya ang mga bisita sa hapagkainan.
"Sumabay kana rin Aiken" usal nito ng makitang walang balak na sumunod ang binata.
Sa hapagkainan ay ang matatanda lamang ang nag usap hindi komportable si Aiken sa kaniyang upuan hindi alam kung dahil ba ito sa mga kasama o dahil ito sa dalawang kaharap na si Asher at ang babae. Tumatawa ang mga ito na animo'y sila lamang dalawa ang nasa paligid, ng hindi makatiis ay tumayo ito.
"Tapos na po ako, excuse me" magalang nitong saad ng matuon ang atensyon ng lahat sakaniya gayon. Tumango naman ang matandang Montefiore bilang sagot na siyang naging hudyat ng kaniyang pag alis hindi na niya pa tinapunan ng tingin si Asher na alam naman niyang Naka tingin sakaniya.
⊰⊱⊰⊱⊰⊱
[Asher's PoV]
Pagkatapos ng hapunan ay niyaya ko si Viel sa may study room dahil gusto niya raw mag basa. Viel is my childhood friend.
"Lets go James" matamis nitong usal kaya muli akong napangiti. I am aware of Viel's feeling toward me, highschool student palang kami ng umamin ito ng nararamdam tungkol saakin. And I know my self na nagkagusto rin ako rito pero Hindi ko ito niligawan dahil narin sa k*tangahan ko
***
"I like you James" nakatungong usal ni Viel nasiyang dahilan kung bakit ako natigilan at napangit. Naigala ko ang paningin upang makahanap ng sasabihin, nasa may roof top kami kaya walang makikitang tao sa paligid kundi ang magandang tanawin.
"James didn't you hear me?" Muling saad ni Viel ng walang nakuhang sagot mula saakin ng ituon ko ang paningin sa kaniya ay nawala ang ngiti sa labi ko, nangingilid ang luha sa Mata niya.
"Viel..." naiyuko ko ang ulo ng wala akong makapang salita.
"Its okay, hindi mo naman kailangan na gustuhin ako pa balik" Naiangat ko ang ulo ng sabihin niya ito, nakangit siya ngunit hindi noon na pigilan ang pag alpas ng luha. Naiwan sa ere ang kamay ko ng bigla siyang tumakbo paalis na siyang dahilan kung bakit ako naiwan mag isa.***
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
General FictionPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...