Chapter Forty Nine:

344 14 0
                                    

Chapter Forty Nine:

{THIRD PERSON POV}

"Kaya inampon namin Si Aisha bilang pag tanaw ng utang na loob at dahil narin walang mag aalaga rito." Saad ni Greg. Tumango si Aiken at saka nag paalam ng lumabas. Kasama ang Tito nito.

"Itutuloy mo pa ba ang Plano mo?" Maya Maya at tanong ni Antonio sa pamangkin ng maka labas na sila ng mansyon ng mga Montefiore. Bumugtong hininga si Aiken bago tumango bilang sagot dito.

Pag kaalis ng sasakyan ni Antonio at pumasok na sa loob si Aiken na kasalubong pa nito si Asher pero hindi man lamang siya tinapunan ng tingin. Ganito na ito ng makabalik sila galing Batangas Hindi niya alam ang rason kung bakit malamig ang pakikitungo nito. Ipinag sawalang bahala na lamang niya iyon at nagtungo na sa sariling silid.

Malalim na ang gabi pero nanatiling gising si Aiken iniisip kase niya ang mga napag usapan nila ni Almara Addison nang nasa Batangas pa lamang sila. Ang gabing inakit niya ang babae at ang gabing sinabi nito ang galit na nararamdaman sa mga Montefiore.

Naka upo silang pareho sa kama at nababalot ng katahimikan. Walang nangyari sa kanila dahil kung meron man ay malalaman ni Almara Addison na Hindi lalaki si Aiken.

"Alam mo bang galit ako sa mga Montefiore" Maya Maya ay sabi ni Almara. Nagulat si Aiken sa narinig pero Hindi siya nag salita bagkus ay binigyan ng nag tatanong na tingin Si Almara. "Inabanduna nila ang lolo." Nakangiting dagdag ni Almara pero makikita sa mga mata nito ang puot at galit na siyang tunay na nararamdaman.

Nanatiling tahimik si Aiken at inaantay ang kasunod na sa sabihin nito. Napansin ni Almara ang pananahimik ng kasama pero Alam niya na nakikinig si Aiken kaya itinuloy nito ang pag kwekwento. "Kaibigan ng matandang Montefiore ang lolo. Isa sa mga dahilan kung bakit lumago ng lubos ang kumpanya ng mga Montefiore. Katulog siya sa pamamalakad ni Greg Montefiore. Pero trinaydroy siya nito!" Mabobosesan na sa tinig ng babae ang galit.

"Hindi siya tinulungan ni Greg ng malugi ang sariling kumpanya ng lolo pinabayaan lamang siya nito! Napaka walang hiya!" Hindi na nito napigilan ang pag taas ng boses dahil sa galit. "Nang mamatay ang mama dahil sa sakit ay humingi kami ng tulong sa kanila pero Hindi man lang kami pinag buksan ng gate! Hinayaan nila kaming mabasa ng tubig ulan. Ng mga oras na ’yon wala na akong naramdaman kundi galit. Sobrang galit dahil habang nag durusa kami at nahihirapan bumangon mula sa pag kadapa sila ay nag sasaya at nag papaka sasa sa pera na ang lolo ang dahilan kung bakit lumago! Mabuti na lang at nakahanap muli ng paraan ang papa nag karoon siya ng maayos na trabaho na siyang dahilan kung bakit kami naka ahon mula sa abo." Nangangalaiting nitong sabi.

"Doon na namin sinimulan ang pag hihiganti. Kinikidnap namin ang batang Asher at humihingi kami ng malaking pera ng walang pag aalin langan dahil una palang ay pera na namin iyon! Pera ng lolo! Kahit sampung taong gulang palang ako ay Alam ko na ang nangyayari. Ganun lang ng ganun, pero nang mag twenty-two ako ay namatay ang lolo! Dahilan kung bakit ako binalot lalo ng galit at puot dahil na laman kung pinatay siya ng walang kalaban laban!" Nag pupuyos na sabi ni Almara.

Hindi na nito natapos ang kwento at Hindi narin nasabi ni Almara Addison ang dahilan kung bakit namatay ang pinaka mamahal nitong lolo dahil bigla na lang itong hinimatay dala ng galit at dahil narin sa alak na ininom nito.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon