Chapter Forty:[Back to normal]
{AIKEN POV}
Dalawang lingo rin mahigit ang itinagal ni Aisha sa Hospital at kahapon lamang ito na kalabas, pinayagan narin siya ni Doc Asyano dahil magaling na rin naman ang mga sugat at pasa na natamo niya which is good dahil hindi mapakali ang mga Montefiore kung hindi pa ito makakalabas. Pero hindi parin bumabalik ang alaala niya, ang sabi ng doktor na iyon ay aabutin ng walong buwan o isang taon bago mabalik ang alaala niya, kaya kailangan na namin humanap ng ibang paraan ni Tito upang matukoy ang nasalikod ng pangyayaring ito. Tahimik ang buong mansyon at mga maids lang ang nagkalat sa paligid ng makababa ako mga nag aayus siguro ang mga ito. Si manang fe —ang mayordoma— ang naabutan ko sa kusina nag hahain ng pag kain kasama ang ibang maids.
"Good morning Iho, gising ka na pala" bati nito saakin pag kakita niya. Tumango ako rito at binati siya pa balik,"Jessica gisingin mo na sila at lalamig itong pag kain, hala sige mag sikilos na kayo" pag tataboy niya sa dalawang maid na kasama na nakatitig sa aakin. "Si manang talaga panira, good morning Aiken hihi" tumango lang ako sa mga ito at nag paunahan na sa pag akyat sa taas ng makita si manang na masama na ang tingin sa kanila.
Bumugtong hininga lang ako. I guess back to normal na ulit. "Maupo ka na Aiken para Maka pag umagahan kana, hay nako kung aantayin mo pa ang mga iyon paniguradong Mamaya pa ang baba ng mga ’yon. Alam mo naman mga pagod, dahil sa kasiyahang naganap ka gabi. Hindi pa nga kami Tapos sa pag liligpit eh" Pag kwekwento ni manang habang inaasikaso ako. "Hindi po ako kumakain niyan manang" pag pigil ko sa kaniya ng lalagyan sana niya ng itlog ang Plato ko. "Ayus na ho ako rito" Tukoy ko sa bacon at hotdog na inilagay niya. "Ayaw mo? Bakit? Masarap naman ito, aba paburito ata ito ni Asher itlog na may kamatis at sibuyas" pagmamayabang nito sa pag kain.
"Allergy ho ako diyan" pag amin ko rito. Na siyang Naka pag papigil sa kaniya. "Ganun ba? Aysha dapat sinabi mo agad pasensya kana hindi ko kase alam" pag hingi nito ng paumanhin. "Wala ho iyon, Salamat ho sa alok" sabi ko na lang para gumaan ang loob nito.
"Ang aga mo naman ata Aiken, Iho" napatayo ako ng mag salita ang matandang Montefiore, nasa may pintuan ito ng kusina at nasa likod nito ang dalawang maid. "Magandang umaga ho Mr." Pag bibigay galang ko rito. Tumango ito at binati ako pabalik saka muling pinaupo.
"Maupo ka na rin Greg, ang anak mo? Si Elizabeth? At mga apo mo nasaan?" Pag papaupo ni manang rito at pag tanong dahil mag isa lang ito bumaba. "Alam mo naman na mga praning ang mga iyon." Tumawa ito bago ipinag patuloy ang sasabihin "Ayun inaalalayan si Aisha" saka namin narinig ang mga boses nito sa may sala.
"Dahan dahan Aisha" boses iyon ni Asher "K–kuya Hindi naman ako lumpo kaya ko mag lakad" may pag aalinlangan sa boses nito, marahil ay nag aadjust pa ito sa pag tawag ng kuya Kay Asher. Rinig na rinig ang pagbugtong hininga ni Asher mula sa kina uupuan ko. "Fine. But sanayin mo na ang pag tawag ng kuya saakin, kung kailangan na banggitin mo lagi ang word na kuya para masanay ka gawin mo" may autoridad na saad nito na nakapa patawa sa kanila, ako naman ay napangiti na lang. Nag pagkaka kuya ah? Back to normal na nga talaga. Napailing na lang ako ng simulan nilang tuksuin si Asher.
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
General FictionPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...