Chapter Thirty:[Aisha is kidnapped 2]

421 20 0
                                    

Chapter Thirty:[Aisha is kidnapped 2]

{Aiken PoV}

"Nasaan ang bata?" Nanunuya kung sabi hindi ko na mahintay ang sasabihin ng ngayong lalaking kaharap ko. Ngunit wala nagbago sa hitsura nya. "Nasaan si Aisha?"

"Haharapin mo muna ako bago ka makapunta sa kaniya!" Sigaw nito na Basta na lang sumugod.

Inambahan niya agad ako ng suntok na agad ko namang naiwasan. Muli siyang sumubok manuntok, may kasamang pagsugod, pero paatras ko namang naiwasan.

Nang muli siyang mag-angat ng braso ay tinapik ko ang leeg niya gamit ang gilid ng palad ko. Bahagya lang ang lakas no'n pero agad niyang nahawakan ang parteng 'yon ng katawan niya.

Sumugod siyang muli at astang gagayahin ang ginawa ko pero nagawa kong saluhin ang kaliwang kamay niya. Sinapo ko ang leeg niya saka siya paatras na isinandal sa pader at doon mag kakasunod na iniumpog sa pader. Sinipa niya ang tuhod ko pero pakiramdam ko ay tinapik lang ako.

"Kumain ka ba?" Nakakalokong tanong ko.

Nag init siya. Hindi ko akalain na nakakapag isip pa pala siya ng tama. Dahil may na dampot siyang bagay at Basta na lang inihampas sa likod ko dahilan para mabitawan ko siya. Napaatras ako at bahagyang napahawak sa tagiliran ko.

Mula sa kinatatayuan ay nakahanda na ang kaniyang kamao at nanatili 'yon hanggang sa pag sugod niya. Tinapik ko ang balikat niya dahilan para mapatagilid siya saka ko kinuha ang braso niya at tinapik naman iyo sa likuran.

Napasinghal siya sa naramdamang sakit. Ngunit hindi na ako naka paghintay pa. Tinadyakan ko ang likuran niya dahilan para mapasubsob siya sa mababang poste ng semento.

Dali-dali siyang tumayo at ng harapin ako ay nag labas siya ng patalim. Pinag laruan niya iyo para mabuksan, nagpapakitang gilas, habang nakatingin saakin. Kung ano-anong ekshibisyon ang ginawa niya sa kutsilyo, pinaiikot sa kamay niya para humanga. Saka siya pumuwesto na para bang hinihintay ang pag sugod ko. Ang kaliwang kamay niya ay handang-handa sa depensa, ang kanan naman ay hindi Maka paghintay sa pag atake.

Pasigaw na umatake ang lalaki at inamba ang patalim niya na para bang matatamaan talaga ako nito. Sinalo ko ang kamay niya saka ako pumunta sa likuran niyon para doon siya tirahin sa likuran. Tinapik ko ang siko niya saka ko pinihit ang kaniyang braso, umaasang mabibitawan niya ang kutsilyo. Hindi iyon nangyari, mas lalong hindi siya huminto.

Binitawan niya ang kutsilyo at sinalo rin iyon gamit ang bakante niyang kamay saka hiniwa ang likod ng hita ko! Napaatras ako dahilan para mabitawan ko siya. Pailalim siyang sumugod ngunit sinalubong ko ang panga niya. Napaatras siya sa lakas ng suntok pero hindi parin sumusuko.

Muli niyang iniamba ang patalim sa'kin ngunit gano'n  kadali 'yon para sa 'kin na iwasan. Walang kahirap hirap. Nasisiguro kong pagud na siya dahil sa bigat ng pag hinga niya. Nang muli siyang sumubok na saksakin ako ng patalim ay umatras ako at sinipa siya sa mukha.

Pero hindi siya sumuko. Muli siyang sumugod kaya sinalo ko ang pulsuhan niya saka ko sinaksak ang hawak niyang kutsilyo sa sarili niyang balikat gamit ang sarili niya ring kamay. Siniko ko siya sa sentido at talaga namang para siyang sinuntok ng boksengero dahil sa lakas ng dulot niyon sa kaniyang ulo.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon