Chapter Twenty Six: [The Culprit PoV 2]
{THIRD PERSON POV}
"Mga g*nggong! Bob*! Wala na kayong ginawang tama! Paanong nalaman ang pinagdalhan ninyo sakaniya!?" Nangangalaiting sigaw ang siyang ginawa nito na nakapagpayuko sa lahat, wala ni isa man ang nagtangkang mag angat ng ulo.
"Bw*sit! Ano pa ang silbi ng pagmamatyag ko kung gayong nakauwi agad ang lalaking iyo! Mga inuti*!" Labas na labas na ang mga ugat nito sa leeg pero nag pupuyos parin ang galit nito at kahit na anong sigaw ang gawin nito ay hindi man lang nabawasan.
Nang walang sumagot ay lalo siyang nainis tuloy ay tinabig niya ang katabing plorera na siyang bumuo ng nakakabinging ingay, ang kaninang buong plorera ay nagkanda pirapiraso, nag kalat sa sahig ang mga parte nito.
"Hindi kayo sasagot?!" Muli nitong saad "Alfredo!" Pagtawag niya sa namumuno ng kaniyang mga tauhan, Naiangat naman ng lalaki ang ulo nito ngunit hindi niya matingnan ng deretso sa mata ang amo.
"M-may tr-traking d-device p-po y-yung b-bag" nag kanda utal utal ito sa pag sagot at hindi rin matapos ang sasabihin dulot ng matinding kaba.
"In*til! Bakit hindi mo muna chinek ang loob! Bob*!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito.
"Puro kapalpakan! Paano ko masisimulan ang paghihiganti gayong hindi ninyo magawa ang mga ipinag uutos ko! Mga walang si*bi!" Kulang ang salitang galit upang tukuyin ang kaniyang damdamin. Napaupo siya sa sofa sa kawalan ng magawa dahil sa sobrang galit sa mga tauhan.
Lumipas ang oras ngunit hindi man lang humupa ang galit niya Bagkus lalo pang nadagdagan. Inis niyang kinuha sa bulsa ang telepono saka nag dial ng numero, halos pumutok na ang mga ugat nito sa leeg dahil sa tagal ng pag sagot sa kabilang linya.
"Ang sabi ko ay ayaw ko ang pinag hihintay ako!" Bulyaw nito sa kabilang Linya ng sagutin ito.
"P-pasensya na" mapagkumbabang sagot nito
"Ayus mo na ang lahat! Ako na mismo ang kikilos dahil puros kayo walang si*bi!" Pasigaw nitong sagot sa kausap. Tumingin pa siya sa mga tauhan upang ipahayag na dito niya ipinatutungkol ang sinasabi.
"Masusunod pero sobrang aga naman" lalo siyang nainis ng sabihin ng kausap niya ang linyang iyon
"Wag ka ng sumatsat! Gawin mo na lang ang inuutos ko! Bob*!" Nag pupuyos sa galit na pinatay niya ang telepono saka ibinato sa kung saan na siyang dahilan kung bakit ito nasira.
"Umalis na kayo sa harapan ko!" Dumagongong sa buong bahay ang pag sigaw niya dahilan kung bakit hindi mag kanda ugaga sa pag Alis ang lahat ng tauhan niya. Ang mga kasambahay naman ay bumalik sa pag tratrabaho.
Inis niyang nilapitan ang wine na nakapatong sa lamesa at saka nag salin sa wine glass at saka nilagok na lang bigla. Kinuha niya ang basag na telepono ng biglang bumukas ito at saka tiningnan ang nag pop up na text sa screen, na pa ngiti siya ng mabasa rito na Ayus na ang lahat. Antayin ninyo Montefiore! Lalabas na ako!
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
General FictionPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...