Chapter Twenty Seven:

424 18 0
                                    

Chapter  Twenty Seven:

{Aiken PoV}

Naiiwas ko ang sarili ng isang kutsilyo ang sumalubong saakin pag kabukas na pagka bukas ko ng pintuan. Sa lakas ng pag kaka bato nito ay hindi na ako nag taka ng bumaon ito sa pader at ang hawakan na lamang nito ang makikita.

"Akala ko ay kung sino Ikaw lang pala" muli ko naituon ang atensyon sa loob ng mag salita si tito. "Huwag mong sabihing dito ka magpapalipas ng gabi?" Dagdag nito ng magtuloy tuloy lamang ako sa pag pasok sa loob ng bahay niya at hindi siya sinagot.

Tinitigan ko ang tulis ng kutsilyo sa harapan ko ilang pulgada na lang ang layo sa ilong ko hawak ko ang hawakan nito dahilan para mapigilan ko ang pag lapit nito saakin. Akma ko na sana itong ibaba ng maagaw ng atensyon ko ang nakasabit dito,

Kinuha ko ito at saka ibinalik Kay Tito ang kutsilyo sa pabatong paraan, ng maiwasan niya ito ay ang nasa likuran niyang pader ito bumaon. Nag pakawala pa ito ng malalim na bugtong hininga na animo'y na bunutan ng tinik sa lalamunan dahil naiwasan niya ang kutsilyong babawi sa buhay niya.

Itinuon ko na lamang ang atensyon sa sobreng hawak, isa iyong invitation card. Binaigyan ko ng nagtatanong na tingin si Tito " birthday ni Asher three days from now" saad nito na nag punas pa ng pawis gamit ang likod ng palad

"And?" Walang gana kong sagot dito "Bibigyan ka ni Greg nang pagkakataon na mag relax pwede ka mag leave sa Araw ng birthday niya" sagot nito na naupo na sa mahabang sofa,

"Mabuti kung ganoon ng sagayun ay matuunan ko na nang buong atensyon ang pagkalap ng impormasyon sa tatapos ng misyon kung ito" saad ko saka inilapag ang hawak sa lamesa sa harapan.

"Why don't you join me? As Aya" nilingon ko muli si Tito ng mag salita ito. Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin dahilan upang mag laho ang ngisi nito.

Ng tuloyan na akong makapasok sa silid na tutulugan ay doon ko lamang na pakawalan ang malalim na bugtong hininga na kanina ko pa itinatago. Of course Aiken its your work! Don't expect a word thank you from him! Naipilig ko ang ulo saka tinungo ang kama at Pabagsak na inihiga ang sarili dito.

Pasikat palang ang Araw ay gising na ako, matapos gawin ang routine ay lumabas na ako ng silid Doon ay naabutan ko si Tito na mukhang katatapos lang mag luto dahil inihahanda na niya ang pagkain sa lamesa.

Wala sana sa balak ko ang kumain pero ng maamoy ko ang pagkain ay kumalam na lang ng kusa ang Tiyan ko, mukhang narinig ito ni Tito dahil tumawa ito bago ako inanyayang kumain.

Matapos mag umagahan ay sabay kaming umalis ni Tito sakay ng kanikaniyang sasakyan nag kahiwalay lang kami ng daraanan ng marating na namin ang intersection dahil sa may norte siya at sa south naman ako.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon