Chapter Fifty:[His feeling's]

377 21 0
                                    

Chapter Fifty:[His feeling's]

{THIRD PERSON POV}

Isang linggo, isang linggo ng hindi pinapansin ni Asher si Aiken. Para narin sa sariling kaligtasan. Pahamak lang kase sa kaniya si Aiken delikado kung lalapit pa siya sa lalaki. Sarili lang niya ang sasaktan. Oo sa loob ng isang linggo ay na amin na niya sa sarili at nalaman na niya ang tawag sa nararamdaman tuwing kasama ang bodyguard niya. Nahulog na ang loob niya sa binata. At masamang balita iyon! Lalaki siya, lalaki si Aiken at impossibleng mag kagusto ang lalaki sa kaniya dahil nakita niya si Aiken na kahalikan ang business-partner niyang si Almara Addison. Kaya pala ganun ang pananahimik ni Aiken ng makilala ang babae ay dahil tinamaan ito Doon.

Kaya nga iniiwasan na niya ang lalaki dahil pahamak lamang ito! Pahamak sa puso niya! He’s not a gay at Alam niya iyon pero hindi niya Alam kung bakit nahulog siya sa personal bodyguard niya. Kailangan na niyang ilayo ang sarili dito para makalimutan ang nararamdaman para rito. Nababaliw na nga siguro siya dahil sa pag-iwas niya na sana ay makatulong sa sitwasyon niya ay hindi lalo pang lumalala ang nararamdaman niya para Kay Aiken.

Lahat ng pwedeng gawin ay ginawa na niya nag paka busy siya sa trabahon at sa bahay naman ay Hindi na siya sumasabay sa pag kain nag papahatid na lang siya sa kwarto. Para siyang highschool student na may crush pero hindi napapasin ng hinahangaan niya ang nararamdaman niya dahil may gusto itong iba kaya siya na lamang ang umiiwas. Nang gabing iyon ay balak niyang pumunta sa bar dahil sila lamang ni Aiken ang tao sa mansion day off kase ng mga maids at si manang fe naman ay umuwi sa probinsya nito dahil namatay ang isang kapatid.

Kinuha niya ang cellphone at nag gm sa mga kaibigan. At sinabi ang plano na pag punta ng bar. Walang pang ilang minuto ay nag si replayan na ang mga ito at nagsi pag oo. Kaya dali dali na siyang lumabas ng kwarto naka salubong pa niya Si Aiken sa may hagdanan pa akyat ito at siya ay pababa. Agad niyang iniwas ang tingin ng mag tama ang mga mata nila. Dahil nag abnormal na naman ang tibok ng puso niya.

Nilagpasan siya nito Kaya nag lakad narin siya pababa. Agad niyang pinaharurot paalis ang kotse. Sa naka lipas na isang linggo ay hinahayaan na siyang umalis ng mag isa kaya nasanay narin siya. Pag dating sa bar ay agad niyang nakita ang mga kaibigan naka order na ang mga ito kaya sinimulan nila agad ang inuman.

⊰⊱⊰⊱⊰⊱

Agad na bumaba si Aiken ng makarinig ng sunod sunod na doorbell sa main door iyon ng mansyon dahil  bakit naman mag dodoorbell sa gate kung may bantay naman Doon. Pag bukas niya ay bumungad sa kaniya si Asher nakapikit at nakasandal paharap sa may pader kung nasaan ang doorbell. Agad niya itong inakay Amoy alak ito.

"Mmm... Aiken..." Ungol nito at hinawakan pa ang mukha ni Aiken naka ngiti pa ito na parang siraulo. Nang makapasok na sila sa kwarto ni Asher ay bigla na lamang siya nitong isinandal sa may likod ng pintuan. Nagulat si Aiken Dahil hindi niya akalain ang ginawa ni Asher kaya hindi agad ito naka pag react.

Iniharang niya sa gilid ang dalawang kamay para i-corner si Aiken lasing nga siya dahil Alam niya namang Mali ang ginagawa pero hindi niya pinipigilan ang sarili. Nakatingin lang sa kaniya si Aiken na bakas ang pag kagulat ngumisi siya at lalo pang inilapit ang mukha. Napalunok si Aiken ng ilapit ni Asher ang kaniyang mukha. Mang hahalik ba ito? Ang bulong sa isip ilang inch na lamang ang layo ng mukha ni Asher sa mukha niya at kapag gumalaw siya ay mag didikit na ang labi nilang dalawa kaya nanatili siya sa pwesto.

This is your chance Asher, hindi naman maniniwala sayo yan kase iisipin niyang lasing kalang ang bulong niya sa isip. "Aiken..." Sunod sunod siyang napalunok dahil sa nakakapang akit na Boses na ginamit ni Asher. "Hmm.. Baliw na nga siguro ako..." Dagdag pa ni Asher inilayo niya ang sarili Kay Aiken pero hindi parin tinatanggal ang mag kabilang braso sa parehong gilid nito. "Baliw kase nahulog ang loob ko sayo... Eh lalaki ka..." Sa wakas ay na sabi niya ang gustong sabihin. Nagulat si Aiken sa narinig at hindi Alam kung paano magrereact at pinoproseso sa utak ang sinabi ni Asher.

"Lasing ka lang." Saad niya ng maalalang nakainom nga pala ito. Kaya niya siguro nasasabi ang mga iyon tinabig niya ang kanang braso ni Asher para maka Alis siya sa pagkaka corner nito. Natawa si Asher sa isip dahil tama siya iisipin lang ni Aiken na lasing siya. Palabas na sana ito ng kwarto ng hilahin niya ito at halikan.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon