Chapter Thirty One: [Aisha is kidnapped 3]

410 21 0
                                    

Chapter Thirty One: [Aisha is kidnapped 3]

Continuation:

{Aiken PoV}

"Kung pagod ka na ay itigil na natin ito. Ibigay mo na si Aisha" hindi ko halos masabi 'yon dahil sa matinding pag pigil ko sa kamay niya. Nilalabanan Niya ang kamay ko na nanlalaban din sa kaniya. Pinipilit niyang hugutin ang kutsilyong nakatarak sa balikat niya.

Pero hindi siya nakinig saakin. Umikot siya at saka ako siniko sa Tiyan gamit ang bakante niyang kamay. Napaatras ako at nakita kung paano niya binunot ang patalim nang sumisigaw. Muli niya akong sinugod, napapailing akong umatras para lang maiwasan siya at hindi na madagdagan ang kaniyang sugat.

"Tama na ibigay mo na saakin si Aisha!" Nag pipigil na pakiusap ko habang umaatras at inaabangan ang pagsugod niya.

Hindi siya nakinig. Panay ang pag amba niya sa akin ng kutsilyo na paulit ulit ko lang iniilagan. Nang makahanap siya ng Akala niyang magandang tiyempo ay iniangat niya nang pag kataas taas ang braso. Saka niya ako inambahan ng saksak ngunit naisanga ko ang Pareho kung braso. Muli kong nahuli ang pulsuhan niya at gamit na naman ang sariling kamay, ay isinaksak ko ang sarili sa tagiliran niya.

Ako mismo ay napakislot matapos panoorin ang papadapang pagtumba ng lalaki.
Pakiramdam ko ay naramdaman ko ang sakit dulot pagkakasaksak ng patalim. Nag habol siya ng hininga at dahan dahang ibinangon ang sarili. Lilingon na sana siya nang matigilan dahil sa bunganga ng baril ni Tito na nakatutuk na sa likod ng ulo niya. Pareho naming hindi namalayan ang pag lapit ni Tito.

"Nasaan ang bata? Si Aisha?" Tanong ni Tito.

Napa ungol ito dahil muling naramdaman ang sakit ng sugat saka itinuro ang isang dereksyon kung saan ang bahaging iyon ay madilim.

Tiningnan ko muna si Tito tumango ito saakin saka pinusasan ang lalaki at dahan dahang itinyo at iginaya palabas.

Alerto parin Ako ng mag lakad na sa bahaging iyon pero ganun na lang ang panlulumo ko ng makita si Aisha na duguan at ang parehong kamay ay naka sabit pa itaas, ang damit na sa pag kakatanda kung puti ay naging pula dahil sa dugong umaagos mula sa noo nito. Dahan dahan ko itong nilapitan dahilan para lalo Kong maaninag ang kalunos lunos na sinapit nito bugbog sarado ang mukha at puro may hiwa ang mga kamay, na hula ko ay likha ng kutsilyo.

Nang sinimulan ko ng kalasin ang tali niya sa kamay ay umungol ito at mayamaya ay inimulat niya ang naka pikit na mata. Nang tuluyan siyang mag mulat ay bigla na lamang siyang umiyak

"Aiken..." Luhaan niyang saad "don't worry you'll safe" pinunasan ko pa ang luha nito saka hinubad ang leather na suot at ibinalot sa kaniya, saka siya binuhat palabas ng lumang gusali.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon