Chapter Fifty Five:[Clarification]

390 21 0
                                    

Chapter Fifty Five:[Clarification]

{Asher POV}

Lalong nag panic ang kalooban ko ng itutok ni Almara ang Baril na hawak Kay lolo. At base sa page hawak niya ay talagang desidido siyang iputok iyon.
"Any last wish Montefiore?" Naka ngising tanong nito. "Hindi ko inabandona ang lolo mo Almara. Hindi ko kayang itapon si Alton" malumanay parin ang pag sasalita ni lolo na animo'y Hindi nakikita ang baril na nakatapat sa kaniya. "Manahimik ka na lang Montefiore! Huwag mo akong daanin sa mabubulaklakin mong mga salita! Hindi mo ako mabobola ng matatamis mong tinig! Hindi kita manliligaw at lalong Hindi ako nag papaligaw!" Sagot nito. Lumalabas na ang mga ugat sa leeg nito sa sobrang galit nararamdaman. Humigpit ang kapit ko Kay lolo upang pahintuin na siya. Dahil sa tingin ko kung mag sasalita pa siya ay talagang katapusan na naming dalawa.

"Hindi kita nililinlang Almara. Totoo ang sinasabi ko. Hindi ko ka—" Hindi na naituloy ni lolo ang sasabihin dahil sa putok ng baril na likha ni Almara. "Lolo!" Natataranta Kong sigaw ng rumihisto sa isip ko ang nangyari. Sa may kaliwang hita ni lolo ibinaon ni Almara ang unang bala ng baril niya." Kumapit rin saakin si lolo saka ako tiningnan. "Ayus lang ako Asher" ngumiti pa ito para makumbinsi ako. Pero hindi iyon uubra sa akin. "Sinasabi mong Hindi mo kayang itapon ang lolo? Pero ginawa mo na Montefiore!" Nag aalab ang mga mata ni Almara habang nag sasalita na para bang sasabog na siya ano mang oras dahil sa tindi ng galit na kaniyang nararamdaman. "Dahil iyon napariwa siya, pinasok niya ang mundo ng droga Almara. Hindi ka ba nag taka nung mga panahong nag uwi nang sobrang laking halaga ang lolo mo? At sinabing nakakuha siya ng bagong trabaho? Iyon ay dahil na subukan niya ang ipinag babawal na gamot. Pinasok niya ang mundo ng droga Almara. Iyon ang dahilan kaya napilitan akong abandunahin siya dahil natuklasan Kong ginagawa niyang kuta ang kumpanya. Nag bebenta siya ng droga sa loob ng kumpanya ng Hindi ko Alam" nabalot kami ng katahimikan matapos sabihin ni lolo ang mga salita ng iyon tiningnan ko rin si Almara na para bang Biglang nalilito sa nangyayari. Para Biglang Hindi niya Alam ang paniniwalaan. "Inialis ko siya sa kumpanya pero patuloy parin ako sa pag tulong sa inyo. Nag bibigay ako ng Pera Kay Ana, sa mama mo. Hindi ko na kakaligtaan ang pag abt sa kaniya. Alam ko rin ang nangyari sa kaniya. Ang pag kawala niya, gusto ko mang tumulong ng mga oras na nawala na siya ay Hindi ko magawa dahil narin sa kahilingan niya. Hiniling niyang tigilan ko na ang pag bibigay ng pera dahil Alam naman niyang ang lolo mo ang may kasalanan kung bakit ito nawalan ng trabaho. Ginawa ko lamang ang hiniling niya" pag papatuloy ni lolo saka kwento.

"Tantanan mo ako Montefiore! Hindi mo ako maloloko!" Muling iniangat ni Almara ang baril at saka hinila ang gatilyo. Parang nag slow motion ang lahat mula sa tunog nang pag putok ng baril at ang pag harang ko sa harapan ni lolo dahilan para sa akin mapunta ang balang pinakawalan ni Almara. "Asher!" Tiningnan ko ang paligid Bigla na lamang nag kagulo ang ibang tauhan ni Almara ay hinuli siya. Hindi ko maaninag ng maayos. Basta ang Alam ko lang at ang malinaw sa akin ay ang pag lapit sa akin ni Aiken at ang pag sigaw niya ng pangalan ko bago ako mawalan ng Malay.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon