Chapter Twenty Three:
{Aiken PoV}
"Here you come" nasa bukanan pala ako ng pintuan ngunit sinalubong na agad ako ni Tito ng kaniyang salita.
"Hindi ba ako pwedeng pumasok muna?" Bagot kong saad dito, at sa hindi malamang dahilan ay tumawa ito tuloy tulyuan ng nalukot ang mukha ko.
"Ang aga aga ay bad mood ka? Oh siya pumasok kana" nagpipigil na tawa nitong saad, Kunot noo akong nagpatuloy sa pagpasok sa kaniyang opisina.
"What is it?" Patungkol ko sa envelope na ipinatong niya sa lamesang nasa tapat ko.
"An information" saad nito at isinenyas na tingnan ko ang nasa loob na siyang ginawa ko naman.
Ang kaninang nababagot kong emosyon ay napalitan ng seryoso habang patuloy kong tinitingnan ang laman ng envelope, mga larawan na kuha sa malayo. Larawan na naglalaman ng impormasyon na makakapag turo saamin kung sino ang nasa likod ng lahat. Larawan na magpapadali ng pag alis ko.
⊰⊱⊰⊱⊰⊱
{Asher PoV}
Madilim na paligid ang bumungad saakin pagkamulat na pagkamulat ko ng Mata. Bigla ay binalot ako ng kaba at lalong tumindi ng maramdaman ko na nakatali Pareho ang dalawa kong kamay.
"Gising naba ang lalaki?" Nagpalinga linga ako ng makarinig ng boses pero wala akong nakita kahit pintuan o bintana kundi puro dilim lang.
"Kung hindi pa gisingin ninyo" muling saad nito tuloy ay hindi na ako nilubayan ng kaba. Nagitla ako ng bigla akong makarinig ng bumakas na pintuan doon lang may pumasok na liwanag, nagulat pa ako ng nasa tapat ko lang pala ang pinto. Doon ay may isang lalaki na nakaitim ang pumasok.
"Mabuti naman at gising kana" saad ng lalaki, nang maisara nito ang pintuan ay para akong nawalan ng pag asa dahil muling binalot ng dilim ang paligid na siyang kinakatakutan ko talaga ng lubos.
"A-anong ka-ailangan n-nyo?" Kahit na ang pilit ko na wag mautal ay hindi ko na Gawa.
Hindi ako na tatakot sakaniya kundi sa dilim na siyang bumabalot sa loob ng silid, bata pala ay takot na ako sa dilim Kay ganito nalang kung suklubin ako ng takot. Muling nag salita ang lalaki pero hindi ko na ito naintindihan dahil tibok lang ng puso ko ang siyang naririnig ko kung ano ang ginagawa ko rito ay halata ang dahilan.
"Where's Veil?" Bigla ay natuliro ako ng maalala na kasama ko ito sa mall kanina Mas lalo kong natuliro ng matawa ito at hawak na ang Tiyan na animo'y ganun katawatawa ang sinabi ko.
"Anong ginawa Nyo Kay Veil?!" Nahinto ang pagtawa niya ng magtaas ako ng boses,
"Kahit mag sisigaw ka ay walang makakarinig sayo dito Kaya tumahimik ka malinaw?"dinakot nito ang panga ko na siyang dahilan kung bakit ako naigta sa sakit.
"P-paano k-kung m-meron" nauutal kong sagot dito dahil hawak parin nito ang panga ko na Mas diniinan pa niya.
"Sino kung gayon?" Nanlilisik ang mga Mata niyang saad.
"Ako" sa gulat ay lahat kami na palingon sa likuran.
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
Tiểu Thuyết ChungPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...