Chapter Thirty Seven:[The Captive]

406 20 0
                                    

Chapter Thirty Seven:[The Captive]

{THIRD PERSON POV}

"Sa pag kakaalam ko'y busy kang tao Montefiore" bungad nito sa nag aantay na si Asher, agad na tumayo mula sa pag kakaupo ang binata at sinalubong ito ng isang suntok na masusundan pa sana kung Hindi naawat ng mga pulis na nag babantay.

"Nasaan si Aisha?!"  Nangangalaiting nitong sigaw habang pumapalag pa sa mga pulis na nakakapit sa kaniya.

"Woah, malakas ka palang manuntok?" Saad nito at pinunasan pa ang gilid ng labi na may dugo. "Huminahon ka Montefiore, paano ko malalaman kung nasaan ang batang ampon na iyon, tingnan mo Naka posas ang dalawa kong kamay" nakangising sagot niya at ipinakita pa ang nakaposas na mga kamay saka umupo sa upuan na nasa tapat.

"Isa ka sa kanila kaya alam mo ang plano nila!kaya sabihin mo kung nasaan si Aisha!" Galit na sabi nito at dinakot ang kwelyo ng lalaki ng makawala siya sa pag kakapit ng mga pulis.

"Bakit ba ganyan ka kagalit sa pag kawala ng babaeng iyon? Ah" humawak pa ito sa baba na parang may naalala at balewala ang kamay na nakakapit at saka ngumisi para asarin lalo ang kausap. "Guilt? Na gi-guilty ka kase dahil sayo na ulila ang batang iyon tama?" Dugtong nito sa sinabi. Nag tangis ang banga ni Asher sa narinig at muling aambahan ng suntok ang lalaki.

"That's enough" naiwan sa ere ang kamao na muli sanang lalapat sa mukha ni Target ng may kumapit sa braso ni Asher. "Enough Asher" muli nitong saad at sapilitang tinangal ang pag kakakapit sa kwelyo ng lalaki at pinaupo ito.

"Adam, oh nope, Aiken" natigilan si Aiken maging si Asher sa narinig tiningnan pa niya ang lalaki na naka'y Target na ang paningin.

"You know me." It wasn't a question but a statement.
Target smirk." Alangan naman sumugod kami sa Gera ng walang dala? Suicide yun." Sagot nito sa mayabang na Tono.

"Who are you?" Walang emosyon na saad ni Aiken rito, ngunit ang totoo ay binabalot na siya ng kuryusidad at gustong malaman ang pagkatao ng lalaking kausap. Ngayon lang ulit niya na rinig ang pangalang iyon Kay ganon na lang ang kilabot na dumaan sa buong sistema niya.

"Find your self" sagot nito rito at muling ibinalandra ang mapang asar na ngisi nito. Ilang minuto silang binalot ng katahimikan dahil na hulog na sa malalim na pag iisip si Aiken, gayon Din si Target na iniisip kung ano ang plano ni Almara at muling kinuha ang batang iyon gayung wala iyon sa orihinal na plano. Habang si Asher ay naguguluhan sa pangyayari kaya minabuting manahimik.

Naputol lamang ang katahimikan ng mag salita ang isa sa mga pulis at sinabi na tapos na ang oras ng pag bisita, tumango si Aiken.
"Let's go" aya niya sa kasama na walang nagawa kundi sumunod sakaniya.
"Ah, its nice to see you again, Aiken" pahabol pa ni Target bago sumama sa mga pulis na bantay.

⊰⊱⊰⊱⊰⊱

"You shouldn't go there." Nagtiim banga si Asher sa narinig, kakababa lamang nila nang sasakyan. "Mas lalo lamang lalala ang sitwasyon kung mangengealam ka" dagdag pa nito.

"At anong gusto mong gawin ko? Ang manatili dito? Nakaupo at walang ginagawa?" Hindi nito napigilan ang pag taas ng Tono. Hindi na lamang siya pinansin ni Aiken bagkus dere deretsong nag lakad papasok sa mansyon ng mga Montefiore.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon