Chapter Forty Three:[Batangas!]

357 17 0
                                    

Chapter Forty Three:[Batangas!]

{AIKEN POV}

Kinabuksan ay maaga kaming umalis ni Asher ng Mansyon papuntang Batangas tulad ng sinabi niya kahapon. Pero ang g@g0 nag kanda ligaw ligaw kami! Paano ba naman inioffer na nga ni Mang Carlo -asawa ni Manang Fe at personal Driver ng mga Montefiore - na ihahatid na lang niya kami dahil baka maligaw kami. Pero itong si nag magaling! Edi ang ending ang tatlong oras at Kalahati ay naging Limang oras!

"Buti at nakarating pa tayo." Di ko na napigilan na parinigan ang isang toh. Masamang tingin ang ibinaling nito saakin. Nasa hotel na kami at mag che-check in.

"Good morning sir!" Bati saamin nang receptionist. "Good morning" ngiting bati naman nitong kasama ko, kaya tuloy Parang maiiihi na ito sa pwesto.

"Ito po yung room number Nyo" saad nito at iniabot ang isang susi. "Thank you, pero dalawang room ang pinabook ko" sabi nito at kinuha ang susi

"Po? Pero ang sabi ng secretary Nyo one room and two bedroom" pag papaliwanag nito. "No, two room one bed room each. Wala na ba kayong ibang kwarto?"

"Sorry sir puno po kase kami ngayon yan na lang po ang avail eh." Napakamot na sa batok iyong receptionist. Habang itong kasama ko naman ay nag face palm. Oh great! What an epic business trip is this!

⊰⊱⊰⊱⊰⊱

We end up in Sharing in one room, Buti na lang talaga at dalawang higaan meron ito. Inaayos ko na ang gamit ko habang si Asher ay hindi matapos Tapos ang pag sermon Kay Mark, ang secretary nya, sa telepono.

"Pabayaan mo na nga Asher, kung kumilos ka na at napuntahan na sana natin yung property na nabili mo" Maya Maya ay singit ko, naririndi na kase ako paulit ulit lang kase ang sinasabi niya.

"Tssk." Saad nito saka pinatay na ang cellphone, Akala ko ay aalis na kami pero hindi pa pala dahil muli na naman niyang kinalikot ang cellphone niya at may tinawagan.

"Yes Ms Almara. Were here already, oh is that so? Akala ko ay na sabihan ka na ni Mr Falcon?" Nakakunot noo ito pero mababa ang tono na gamit.

Almara? Who is she?

"Okay, aasahan ko kayo bukas, sige" pinatay na nito ang telepono. "Mag pahinga na lang muna tayo." Naibaling ko ang atensyon dito, Naka latag na ang sarili sa kama na animo'y pagod na pagod.

"What? Kung kumilos ka na kaya ng matapos na" naiinis kong sabi rito. Agh I really hate this kind of attitude, yung mag sasayang ng oras at hindi pa uumpisahan ang dapat gawin.

"Wala pa namang gagawin, wala pa si Ms Almara" inosenteng saad nito. Almara again.

"Who is she?" Di ko namalayan na naisatinig ko pala iyon. Oh great!

"Hah?" Argh Bakit ko ba nasabi yun. "Nothing." Sagot ko na lang at tumayo na sa kama at lumabas nang kwarto. Bahala sya naiinis parin ako sa kaniya. Kasalanan nya kung bakit kami nag kanda ligaw ligaw. Mag hahanap na lang siguro ako sa labas ng makakainan tutal ay pasado alas dose narin naman.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon