Chapter Forty Four:[Aisha's secret]
{AISHA POV}
"Hanggang kelan mo ba balak itago sa kanila? Aisha?" Tanong ni Doc Asyano, ang doktor na siyang gumamot saakin.
"Hangat Hindi nasasagot ang tanong sa isip ko Doc." Bumugtong hininga ito saka tumayo.
"Bahala ka, pero huwag kang pasisiguro na pag tatakpan ko ng matagal ang tunay mong kalagayan. Mag papaalam na ako, wala na rin naman akong iche-check sayo." Inayus nito ang suot na coat at nag lakad na palapit sa pintuan. Agad ko na man itong sinundan para ihatid.
"Doc Asyano? Alalis na kayo?" Ang bungad ni mommy pag karating namin sa may sala. Tumango si doc "Yes Mrs. Montefiore, tapos na ang pag check ko Kay Aisha. Let's just pray na bumalik ng mas maaga ang memorya niya." Diniin pa nito ang salitang bumalik at tinapunan pa ako ng tingin.
"Ganun ba? Sige mag iingat kayo sa pag uwi" tumango lamang si Doc Asyano, saka nag patuloy na sa pag lalakad. Nasa likuran naman kami ni mom at inihatid siya palabas.
Pag ka hatid namin Kay Doc Asyano ay bumalik na rin ako sa kwarto ko para mag pahinga. Tuwing sabado at pumupunta siya dito para icheck ako.
Pero gaya nga ng sinabi niya ay ayus na ako, matagal na. Hindi naman ako nawalan ng memorya palabas lamang iyon. Isang bagay na inihiling ko Kay Doc.
Inilatag ko ang sarili sa kama at ipinikit ang mata, muling rumihisto sa isip ko ang nangyari saakin ng gabing iyon.
⊰⊱⊰⊱⊰⊱
"Think Faster Aisha!" Nagpapanic na sabi ko sa sarili.
Subrang lakas ng kabog ng dibdib ko, sumasabay sa kalabog ng pintuan na pilit binubuksan, nawawalan na ako ng konsetrasyon at Hindi na ako makapag isip ng tama dahil sa ingay na likha ng pintuan. Is this my ending?
"Bingo." Saad ko ng mapako ang tingin sa hinahanging kurtina. Kinuha ko ang nasa malapit na upuan at pinatungan iyon. At pilit na inabot ang sabitan nito.
Nang maabot ko na ay dali dali akong bumaba at itinali agad ito sa dulo. Lumapit muli ako sa bukas na bintana at saka iyon inilaglag.
Nasa kalahati na ako ng may marinig ako sa taas ng putok ng baril. Hindi iyon ganun ka lakas marahil ay may naka salpak na silencer roon. Dali dali akong bumaba at mabuti na lamang ay naka pasok na ako sa bintana ng sumilip ang lalaking iyon.
Narinig ko ang pag Mura nito at maya Maya ay may kausap na ito. Siguro ay may tinawagan ito.
"Oo nasa pangalawang palapag na..." Hindi ko na napakinggan ang sunod nitong sinabi dahil narin lumayo na ako sa bintana.Inilibot ko ang paningin at saka ko lang nalaman na may matandang na ka higa sa kama. May mga aparatos na naka kabit sa kaniya at puros mga machine ang nasa tabi niya. Nakaka awa naman. Oh come on Aisha! May humahabol sayo! Tandaan mo!
Saka lang ako nabalik sa riyalidad at muling sinuklob ng kaba. Dali dali kung nilapitan ang pintuan at saka iyon binuksan. Nang masiguro Kong walang tao sa malapit ay lumabas na ako ng kwarto.
Lakad takbo ang ginawa ko at nag hahanap ng elevator o kaya ay hagdanan. Nang maka kita ako ng pa bukas na elevator ay tatakbuhin ko na sana iyon pero ang lalaking humahabol saakin ang sakay noon.
Dali dali akong pumasok sa isang silid na naka uwang nang maliit ang pintuan. Buti na lang at na ka yuko ang lalaking iyon at siguradong Hindi niya ako na kita.
Inilibot ko ng tingin ang buong silid at may naka higa ring matanda sa kama, siguro ang floor na ito ay ward para sa matatanda. Kaya dahan dahan akong nag lakad sa may bintana. Dito na lang ako dadaan may puno kase na malapit ang sanga sa bintana.
Inabot ko iyon at buti na lang at naabot ko. Hindi ko na rin na isara ang bintana. Mabuti na lang at may hagdanan sa katawan ng puno kaya hindi ako na hirapan bumaba.
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
General FictionPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...