Chapter Thirty Four:[Dream]
{Aiken PoV}
''Don't do $tup!d thing again Aya" Naituon ko ang atensyon sa lalaking nakaupo sa may upuan ng study table
"I know" walang gana kong sagot rito saka sinuot ang leather jacket ko.
"Aya— "I know what I'm doing, Adam." pag tatapos ko sa usapan, but his Adam kaya tumayo ito sa upuan at sa isang iglap siya na ang may hawak ng door nob na kanina hawak ko.
"Sa bar lang ang punta ko!" Inis na saad ko rito dahil naubusan na ako ng pasensya.
"Just take care... Please" malumanay nitong saad, may kung anong humaplos sa puso ko pero mas pinili kong ipakita na wala akong pake sa sinabi nito.
"Shut up" malamig kong usal rito at saka tinanggal ang pag kakakapit nito sa door nob, at saka binuksan at iniwan siya sa loob.
Maingay na lugar ang sumalubong sa 'kin ng tuluyan na akong makapasok sa loob.
Malakas ang stereo, kaya lahat ng nag uusap ay parang nag sisigawan. Dumeretso ako sa counter at naupo sa nag tataasang mga stool sa harap noon.
"One Martine please" saad ko sa bartender na tinanguan lamang ako at inasikaso ang order ko.
Nag palinga linga ako sa paligid na animo'y may hinahanap.
"One Martine" nabaling ko muli sa bartender ang atensyon ng mag salita ito, iniabot niya ang order ko mabilis ko namang itong tinanggap.
Muli kung iginala ang paningin sa paligid at isa isang sinusuri ang mga mukha ng mga taong nag sasayaw sa may dance floor at mga na kaupo.
Nang hindi ko makita ang hinahanap ay ibinaling ko ang atensyon sa bartender. "Nasa VIP room ba sya?" Tumango ito sa 'kin na naging hudyat ng pagtayo ko bitbit ang inuming inorder.
Lumalagatok ang suot kong takong habang tinatahak ko ang daan papunta sa VIP room.
Itinapon ko sa gilid ang Alak na dala at ibinato ang baso, nakuha ko ang atensyon ng mga bodyguard na nakatayo sa may harap ng pintuan, agad kong binunot ang baril na nakaipit sa binti ko at inunahan ang mga ito. Walang nakarinig dahil sa silencer na nakasalpak rito.
Ipinasok ko sa isang VIP room ang mga ito. Hinayaan ko ang dugo sa kamay ko na mula sa mga bodyguard, pa bagsak kong binuksan ang pinto at agad na nag paputok na naging dahilan upang siya na lamang ang matira sa loob.
Ang kaninang puting pader ay naging pula dahil sa talsik ng dugo. Isinara ko ang pinto at inilock upang walang makaalam sa mangyayari dito sa loob.
"Traydor ka Aya!" Nginisian ko ito saka ipinaglandas ko sa mukha niya ang bunganga nang baril.
Nawalan nang kulay ang mukha nito at ang kaninang tapang tapangan ay napalitan ng takot.
"Boo!" Nagitla ito ng bigla ko siyang gulatin, halos sumakit na ang tiyan ko kakatawa
"Wala kang utang na loob!" Napahinto ako ng sumigaw ito
Nagtatapang tapangan
Muli ko siyang nginisian saka itinutok ulit ang baril, ngayon ay sakaniyang noo na.
"Mag paalam kana sa buhay mo" binulungan ko ito saka ipinutok ang baril, tumalsik ang dugo niya saakin at sa pader. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok ang mga bodyguard, bago pa sila mag paputok ay tinalon ko ang pagitan saka lumabas sa bintana.
Mabuti na lang at Tatlong palapag lang ang bar na 'yon kaya maganda ang pag landing ko.
"Habulin Nyo!" Nginisian ko muna ang mga bodyguard na nakasilip saakin saka ako tumakbo habang pinupunasan ang dugo sa mukha ko.
Patalon kong sinakyan ang motor na nakaparada at agad na pinaandar papalayo sa lugar.
Napa ngisi ako ng makita na humabol ang mga ito, kaya binilisan ko pa ang pag papatakbo ng motor.
Credit to the pinteres
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
Художественная прозаPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...