Chapter Forty Eight:
{THIRD PERSON POV}
"Ngayon ay naiintindihan ko na" saad ng matandang Montefiore. "Kaya pala." Napabugtong hiningang dagdag nito.
"May gusto pa po akong malaman" walang pag alinlangang sabi ni Aiken. Pareho lumingon sa gawin ng binata ang dalawang mag kaibigan. Na nag bigay ng pahintulot sakanya upang itanong ang dapat itanong. "Nung dumalaw ho kase si Asher sa prisinto ay nabanggit ng lalaki na si Asher ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Aisha?"
Saglit sila parehong natigilan. Bumugtong hininga ulit Si Mr Greg bago muling nag salita. "Yun ang unang beses na muntikang makidnap si Asher. Walong taon palang siya noon pumunta kase sila ng factory ng mga magulang ni Aisha ng mga oras na iyon." Tumigil siya at huminga ng malalim bago ipinag patuloy ang pag kwekwento.
"Mag kaibigan na talaga ang mga magulang ni Aisha at kami kapatid rin kase ni Elisabeth ang nanay ni Aisha, si Asher kase ay malapit talaga sakanila. Itinuring na rin nilang anak ito dahil noon ay Hindi sila mag kaanak milagro na lang na dumating si Aisha." Pagpapatuloy ni Greg sa kwento at muling inalala ang kwento ni Elisabeth sa kaniya. Ang pangyayari ng mga oras na iyon.
"Tito Albert!" Ang sigaw ng batang si Asher nasa bukanan palang siya ng factory kung saan ginagawa ang iba't ibang klaseng pabango. Pag mamay-ari iyon ng mag asawang Albert At Alisa at kaibigang lubos ng mga Montefiore.
"Young master baka ho madapa kayo, wag po kayong tumakbo" ang habol ng taga pag alaga ni Asher bigla na lamang kase ito tumakbo upang agad na malapitan ang mag asawa. "Ay nako Albert kung nabubuhay siguro si Alfonso siguradong mag seselos na naman iyon sayo" si Alfonso ay ang namayapang asawa ni Elisabeth ang tatay ni Asher at ang matalik na kaibigan ni Albert.
"Sinabi mo pa Elisa" sulsol naman ni Alisa sa kapatid saka ito hinalikan sa pisngi bilang pag bati. "Nasaan pala ang anak niyo? Si Aisha?" Tukoy nito sa walong buwan na sanggol na anak ng mga ito. "Naiwan sa bahay gusto ko mang isama ay Hindi pwede dahil mayroon kaming bagong business partner na dadating ngayon Hindi ko lang maaasikaso ng maayos ang bata." Sagot nito saka iginaya sa may upuan ang kapatid.
"Napa kacute pa naman ni Aisha" sagot ni Elisabeth sa Kapatid. Habang pinapanood ang anak na nakikipag laro Kay Albert. Lumipas ang oras ng mag a-ala una ng hapon ay nag paalam si Elisabeth na aalis muna at pupunta sa puntod ng asawa. Malapit lang kase ang sementeryong pinaglibingan nito.
Kalahating oras lang ay mararating iyon. Nag paalam siya sa anak at inihatid siya ng mga ito sa may labas. Kumaway ang batang Asher bilang paalam sa Ina. Habang palabas ay may pumasok na itim na van pero Hindi iyon pinag tuunan ng pansin ni Elisabeth dahil naalala niya ang sinabi ng kapatid.
Pero Hindi pa tuluyang na kakalabas ang kotseng sinasakyan niya sa malaking gate ay may narinig silang putok ng baril Napa preno si mang Carlo at Napa baling naman si Elisabeth sa likuran. "Manong ibalik mo!" Natataranta nitong sabi na sinunod agad ng driver.
Papasok na sana sila Albert at asher kasama ang asawa nitong si Alisa sa loob pero dumating ang isang itim na van akala nila ay ito na ang kanilang ka business partner na hinihintay. Kaya tumigil sila at hinintay itong tumigil. Pero ng tumigil na ito ay may mga lalaking naka itim na naka bonet ang bumaba.
"Sino kayo?" Ang tanong ni Albert. "Ang bata ang kailangan namin" sagot ng isang lalaki na may hawak na baril. Sinabi nitong ibigay ang bata pero Hindi iyon ibinigay ni Albert. Natataranta na rin si Alisa dahil kung mayroon mang mangyari sa kanila ay Hindi sila maririnig sa loob dahil busy ang mga tao doon pwera na lang ang mga guards na nasa may gate pero malayo layo ang mga iyon. Sa pag mamatigas ng asawa ay pinaputukan iyon ng lalaki. Lalo lamang nataranta si Alisa sumabay pa ang pag iyak ng batang si Asher.
Lalapitan na sana ni Alisa ang asawa pero natagpuan na lamang niya ang sarili na naliligo sa sariling dugo. Hindi na rin niya narinig ang sinabi ng mga kidnapers pero basta na lamang umalis ang mga iyon. "Alisa!" Kinapitan niya ang kapatid na Si Elisa at naalala ang kaniyang unica iha. "S...si Aisha..." Saad nito bago nalagutan ng hininga dala ng natamong tama ng baril sa may kaliwang bahagi ng dibdib.
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
Fiksi UmumPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...