Chapter Forty Seven:[DREAM 3]
{Aiken POV}
Derederetso lang sa pag dadrive ni Adam pero Hindi ko Alam kung saan kami pupunta. Hindi ko na inalam. Dahil binabagabag ako ng nakita ko kanina. Paano?...
Nag gewang gewang ang kotseng sinasakyan namin na dahilan kung bakit ito tumama sa poste ng koryente. "$h¡t" pareho naming mura ni Adam.
Dali dali nitong tinanggal ang sariling seatbelt. At ganun rin ang ginawa ko. Umuusok na ang harapan ng sasakyan at siguradong sasabog iyon dahil narin sa lakas ng pag impak namin.
Nang matanggal ang seatbelt at sabay kaming lumabas ng sasakyan. Hindi pa maayos ang pag lakad ko dahil narin dala ng hilo. "Aya you okay?" Pag lapit saakin ni Adam. Tumango ako at kumapit sakaniya.
Hindi pa ganun kalayo ang nalakad namin palayo sa kotse at bigla na lang itong sumabog dahilan para tumalsik kami pareho.
Na paubo ako dahil narin sa usok na bumalot sa paligid masakit rin ang likod at braso ko dahil sa pag talsik ko. Dahan dahan akong tumayo at binalanse ang sarili. Masakit na rin ang ulo ko kaya kinapa ko ito at doon nasiguradong may sugat iyon at dumudugo. Dahil sa dugong nasa kamay ko.
"Adam..." Nanghihina kong tawag. Sinasanay ang sarili sa usok na nasa paligid. Dahan dahan rin ang pag lalakad ko dahil na hihilo na talaga ako. Pero na tigil ako ng maka rinig ng sunod sunod na pag putok ng baril at pagkatapos ay ang pag Alis ng isang sasakyan. Nilapitan ko kung saan nang galing iyon at nakita si Adam na nakahiga at naliligo sa sariling nitong dugo.
"Adam!" Agad ko itong nilapitan at hinawaka ang kaliwang dibdib niya kung saan may tama ng baril umubo ubo ito saka nag salit. "Aya..." Nahihirapan nitong sabi. "I'll call an ambulance. Stay still Adam" saad ko rito at kukunin na sana ang cellphone na nasa loob ng suot Kong tuxedo. Pero saka ko lang narealise na Hindi ko nga pala iyon dinala.
"Aya... Listen." Naibaling ko ang tingin Kay Adam. "Don't talk baka!" Di ko napigilan ang pag taas ng boses dala ng inis at pag panic.
"Listen... Go to Aki..." Umubo ito ulit but this time at may kasama ng dugo. "Wag ka na kaseng mag salita!" Naiinis Kong sabi rito.
"Hide yourself aya... don't let them kill you." Sabi nito at muling umubo ng dugo at nabitawan narin nito ang kamay ko na kanina ay napaka higpit ng kapit niya. "Adam! You a$$hol£! Wake up!" Naiiyak Kong saad dito na inaalog pa ang katawan nito. Pero Hindi parin ito nag salita at Hindi narin ito humihinga.
Natinag ako ng makarinig ng paparating na sasakyan dali dali akong tumayo at balak na parahan ang sasakyan pero Hindi pa ako nakakapag bigay ng signal sa mga ito ay tumigil na ito at bumaba siya ang taong ayaw ko ng makita. "Hi Adam".
Napabalikwas ako ng bangon at habol ang sariling hininga. Panaginip lang pala. Panaginip na nag babalik saakin sa nakaraan. Ibinaling ko ang paningin sa kanan kung nasaan natutulog ng mahimbing na si Asher. Nahiga na lang ako ulit at saka tiningnan ang wall clock na naka sabit sa dingding. Three thirty in the morning.
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
General FictionPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...