Special Chapter:[Going on a date]

591 22 0
                                    

Special Chapter:[Going on a date]

{Third person PoV}

Nakaharap sa salamin habang inaayos ang sarili. Nakakailang bugtong hininga na si Asher para mawala ang kabang nararamdaman. Inilinga niya ang bintana na nasa kana, maganda ang sikat ng araw Hindi mainit pero Hindi naman makulimlim tamang tama para sa pag de-date nila ni Aiken.

Muli na naman siyang sinuklob ng kaba at Alam niyang namumula na ang buo niyang mukha. Bakit ba ganito ang epekto sa kaniya? Gayong siya ang lalaki? Itinuon na lamang ulit niya ang atensyon sa pag aayos nag lagay siya ng pabango at muling tiningnan ang sarili sa salami, sa huling pag kakataon bago lumabas ng silid.

"Matatapos ka pa pala kuya?" Sarkastikong saad ni Aisha paka baba niya. "Manahimik ka wag mo sirain ang mood ko" sagot nito saka nilagpasan para puntahan ang ina. "Pinag handaan mo talaga ng maayos asher? Napaka gwapo naman ng panganay ko" puna ng INA ng makalapit siya. Nakamot naman ng isa ang batok dala ng hiya. "Aba dapat lang! Pihikan ata si Aya." Singit ng lolo nito. "Kaya dapat galingan mo Asher sa panliligaw! Aba at baka bumalik yan sa Japan at mag hanap ng hapon" nabaling nilang lahat ang atensyon sa nag salita. "Tito Antonio!" Binungad ito ng yakap ni Aisha. "Oh Antonio andito kana pala asan si Aya?" Tanong ni Greg sa kaibigan.

"Nasa labas may kausap sa telepono" simpleng sagot ni Antonio at naupo sa upuan. "Ano pang ginagawa mo Dito Asher? Aba! Kilos kilos rin" pabirong saad ni Antonio Dito. Ramdam kase nito ang kaba ng binata. Nagpaalam na si Asher sa ina at lolo, saka lumabas ng mansyon. Mula sa kinatatayuan ay tanaw na tanaw niya si Aiken. Kabababa pa lamang nito ng cellphone, marahil ay tapos ng makipag usap sa kung sino man. "Aya..." Saad ni Asher pag kalapit, na kamot pa nito ang batok. Naiilang parin talaga siyang tawagin ito sa ganung pangalan. "Let's go?" Kahit napansin ni Aiken ang pag kailang nito ay ipinag sawalang bahala na lamang niya.

⊰⊱⊰⊱⊰⊱

"Ano na palang nangyari Kayla Almara?" Maya Maya ay tanong ni Asher. Nag lalakad sila ngayon sa dalampasigan. Papalubog na ang araw kaya kulay kahel na ang kapaligiran. "Turns out na may mental  problem si Almara Addison, kaya nasa mental hospital siya ngayon for treatment." Sagot ni Aiken Dito. "Eh si Target at Calvin?" Pag papatuloy ni Asher. "Target kill himself, yesterday. Si Calvin naman Naka takas, kanikanina lang"

"Nakatakas? Paano?" Gulat na gulat na saad ni Asher. Humugot ng malalim na hininga si Aiken bago tumigil sa pag lalakad, kaya napatigil rin si Asher. "Let's not talk about them. Where on a date right?" Kahit walang emosyon ang mukha nito ay bakas naman sa Tono ng pananalita nito ang inis. Nakamot ni Asher ang batok. Naiilang lang talaga siya sa sitwasyon Hindi naman ito ang unang beses na nakipag date siya ang kaibahan lang ay iba si Aiken. Nabalot sila ng katahimikan, parehong ineenjoy ang kapaligiran at ang presensya ng isa't isa. Tuluyan ng lumubog ang araw pero Hindi na ulit nag salita si Aiken, at nanatili lang na nakatayo at nakatingin sa dagat. "Aiken? Are you mad?" Pag basag ni Asher sa katahimikan. Nanatiling walang kibo si Aiken. "A—" naputol ang sasabihin nito ng Biglang ipag dikit ni Aiken ang kanilang mga labi. "I did enjoy the day. Thanks Ash" saad nito ng putulin na nito ang halik. "Ash? Huh I like it" saad ni Asher at hinila sa bewang ang babae. "Babawiin ko lang yung halik" saad pa nito bago muling ipag lapat ang labi nilang dalawa. Ipinulupot ni Aiken ang braso sa leeg nito, mukhang Hindi nga siya nag kamali sa pananatili. Nandito na ang tahanan niya. Ang tahanan na matagal na niyang hinahanap. She's lucky to have him.

—fin.

The end na talaga! Asus lalandi! Haha, sana po ay na-enjoy ninyo ang special chapter, may pasobra dahil rebisco ka. Chos. Again! Thank you for reading! And please supot ay Mali support my upcoming story! Maraming thank you!

You're sleepy writer
nyx_angeles.

🎉 Tapos mo nang basahin ang My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision] 🎉
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon