Chapter twenty Five:
{Asher PoV}
"Are you Okay?" Hinawakan pa nito ang baba ko na animo'y sinisipat kong meron ba akong bangas, nang Walang nakuhang sagot ay hinawakan naman nito ang dalawa kong braso at dito nakita ang nakaposas kong mga kamay. Guni guni man o hindi pero sumilay sa mukha ni Aiken ang pag alala, tumayo siya at kinapkapan ang lalaki at ng makita ang hinahanap ay muli siyang lumapit saakin at saka kinalas ang mga posas ko.
Inakay ako nito patayo na at Akay akay rin palabas gusto ko sanang tanungin kung paano niya nalaman na narito ako pero wala man lang ni Isang salita ang lumalabas mula saakin. Kung paano kami nakauwi ay hindi ko na naalala bumalik lang ako sa ulirat ng may biglang yumakap saakin si mommy naumiiyak. Wala sa sarili na inakap ko ito pabalik tuloy ay lalo ito na pa hagulgul sa pag iyak.
Si lolo ang sumunod na yumakap saakin hindi ito umiiyak ngunit bakas sa mukha nito ang lubos na pag alala. Ni lampasan ko si Aisha na sanang yayakap saakin dahil nilapitan ko si Veil at tiningnan ang lagay nito lalong umagos ang sagana nito luha "Thank god you're okay" anas nito saka ako sinunggab ng yakap.
"Thank you Aiken, thank you" nilingon ko si Lolo ng mag salita ito doon ko lang muli na alala ang presensya ni Aiken, tuloy ay para akong nahiya bigla dahil na katingin ito saakin. Hindi pa ako Naka pag pasalamat dito st*pid Asher!
Ibinalik niya ang ang paningin Kay lolo ng magtama ang mga Mata namin "I just doing my job" walang emosyon nitong sagot.
"But... still thank you" tango na lamang ang isinagot niya Kay lolo atsaka nag paalam na umalis. Muli akong niyakap ni mommy ng tumayo ako at hindi pa ito na kontento dahil pinag hahalik halikan pa ako nito sa pisngi, nag salita ito ngunit hindi ko naintindihan dahil na tuon na ang buo kong antensyo sa papalayong si Aiken.
Nang maghapunan ay hindi ito sumabay saamin dahil nag paalam na aalis at babalik na lamang kinabukasan tuloy ay lalo akong nilamon ng guilt dahil sa hindi ko pagpapasalamat rito.
⊰⊱⊰⊱⊰⊱
Tanghali na ng magising ako kinabukasan, dala na marahil ng nangyari saakin kahapon. Matapos kong gawin ang routine ko ay bumaba na ako. Tahimik ang sala ng makababa ako kaya tumuloy ako sa kusina kung saan ko na abutan si mommy na nag luluto ng umagahan. Binati ako nito kaya binati ko rin ito pabalik saka naupo sa katabing silya.
"Umalis na nga pala sila Veil" naiwan sa ere ang pag inom ko ng kape ng sabihin ito ni mommy.
"Bakit hindi man lang siya nag paalam saakin?" Inilapag nito ang kapit na sandok at saka na upo sa tapat kong upuan.
"Ayaw ka na niyang gisingin, atsaka mukhang na kasama talaga sa lagay ni Veil ang nangyari kahapon" malumanay nitong sagot na inabot pa ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang bumugtung hininga at saka ipinag patuloy ang pag inom ng kape.
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
General FictionPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...