Chapter Thirty Nine:
{ALMARA POV}
"Ano na naman bang ginawa mo Calvin? Bakit mo ginawa yun?" Hindi man lamang ako nito nilingo bagkus ay ipinag patuloy lang ang pag babasa nang dyaro.
"Calvin! Lumilihis ka sa tunay na plano! Paano na lang kung makilala ka?!" At sa wakas ay nilingon rin ako nito, walang emosyon ang mga mata na animo'y walang kwenta ang kaharap.
"Wala naman siyang memorya kaya ok-" Wala ngang memorya paano kung bumalik agad?! Anong gagawin mo!" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil inunahan ko na ito. "Almara stop shouting will you'' muli nitong ibinalik ang atensyon sa newspaper na binabasa at binalewala ang galit na inilalabas ko. "At least alam ko na kung nasaan si Target." Muli nitong saad pero hindi inaalis ang atensyon sa binabasa. "Target my @$$! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na pabayaan muna natin siya sakanila tutal hindi naman mag sasalita iyon" masamang tingin ang ipinukol nito saakin nang sabihin ko iyon.
"Pasalamat ka na lamang at hindi ko iniligpit ng tuluyan ang batang iyon, if I know kaya hindi mo iyon mapatay patay ay hindi dahil sa nakilala kaniya , dahil na kikita mo ang sarili mo sa kaniya." Malamig na turan nito, na nakapag patigil saakin. Ngayon lamang niya ako ginamitan ng ganung tono at dahil narin sa sinabi niya. He's right iyon ang dahilan. Nakikita ko sa batang iyon ang ako Nung bata pa, isang dahilan kung bakit hindi ko mapatay patay.
"Just don't do $tu₱!d thing again, masisira ang plano natin." Mahinahon na ang tono na ginamit ko rito. Wala itong sinabi pero alam kung oo ang sagot nito, bumugtong hininga muna ako at iniwan na siya, nasa may garden kase ito na siyang paborito nitong lugar dito sa bahay.
"Ms Addison" sumalubong saakin ang Naka ngiting si Mr Falcon nang makapasok ako sa loob, nasa may sala ito at Naka upo sa sofa pero ng makita ako'y tumayo sya at sinalubong ako. "Mr Falcon, hindi ka nag pasabing pupunta ka. Biglaan naman, may problema ba?" Inayus nito ang salamin saka muling umupo sa sofa.
"Biglaan nga, pasensya na Ms. Addison. Nasa Ayus na sitwasyon na ang mga Montefiore kaya bababalik na si Asher sa trabaho nito at aasikasuhin na nito ang property na nabili sa Batangas. Kanina n'ya lamang sinabi saakin at gusto na niyang simulan ng mas maaga sa napag usapan." Mahaba nitong paliwanag at saka inabot ang baso na may lamang juice na tinakasan na ng lamig dahil narin sa pag uusap namin. I nod "Maganda nga iyon Mr Falcon, At least mapapaaga ang lahat ng pinag planuhan. Salamat sa pag dala ng magandang balita Mr Falcon." Tinapik ko ito sa balikat. "Pero Pwede mo naman gawan ng paraan para makasama namin si Target, hindi ba?"
Bumugtong hininga ito at inubos muna ang laman ng baso saka inilapag sa may lamesa. "Titingnan ko kung anong magagawa ko Almara, pero hindi ako nangangako. Aalis na ako iyon lamang ang ipinunta ko rito, ihatid mo na lamang sa papa mo ang pag bati ko" tumango ako rito at inihatid siya palabas. "Salamat ng marami Mr Falcon, hayaan mo ipapaabot ko sa Papa ang balita mag iingat ka."
Sumakay na ito sa kaniyang sasakyan, bumusina pa ito ng tatlong beses saka pinaharurut na ang sasakyan paalis. Nang mawala na sa paningin ko ang kotse ay inilabas ko mula sa bulsa ko ang cellphone at nag tipa ng numero ng taong kailangan ko.
Wala pang dalawang ring ay sinagot na nito ang tawag. "Alfredo mag handa kayo mag sisimula na ako sa paniningil." Makahulungan Kong saad rito. "Ganun ba mam? Alam mo naman na palagi kaming handa, abisuhan mo lang kami kung kailan. Sasabihan ko na ang mga bata" pinatay ko na ang telepono at saka pumasok sa loob. Maniningil na ako Montefiore, humanda kayo.
BINABASA MO ANG
My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]
General FictionPinabalik sa pilipinas ni Antonio ang pamangkin na si Aiken bilang maging personal na bodyguard ng Apo ni Asher James Montefalco ang nag iisang apo Ng kaniyang kumpadre Hindi man niya nais dahil na rin nasa delikado ang buhay ni Aiken sa oras na umu...