Chapter Fifty Two:[Revelation]

402 19 0
                                    

Chapter Fifty Two:[Revelation]

{THIRD PERSON POV}

Nagising si Asher na masakit ang ulo balak niya sanang kapitan ito ngunit may limitasyon ang about ng kamay niya dahil naka posas pala ang mga ito. Doon niya naisipang igala ang paningin at hindi pamilyar sa kaniya ang lugar.

Pilit niyang inalala kung ano ang nangyari ang natatandaan niya ay papunta siya sa kaniyang kumpanya dahil mag kikita sila ni Almara Addison dahil sa pepermahan niyang papel upang tuluyang mapasalin sa pangalan niya ang property na binili niya sa Batangas. Pero bigla na lang may humarang ng kotse niya at— at wala na yun lang ang naaalala niya. Hindi n’ya kasama si Aiken kaya nakidnap siya. Nasaan ba kase ang bodyguard niya? Ah inaasikaso nga pala at hindi niya Alam kung ano.

Maya maya ay may narinig siyang mga yabag ng paa kung hindi siya nag kakamali ay papunta iyon dito. At tama nga siya dahil biglang bumukas ang pintuang nasa gilid niya. "Dito tayo Montefiore" na gulat si Asher ng pumasok ang lolo niya pero mas na gulat siya ng si Almara Addison ang kasunod nitong pumasok. "What's the meaning of this?" Naguguluhang tanong ni Asher sa business partner nito.

"Gising kana pala" nakangising saad ng babae pumalakpak ito ng tatlong beses at sunod sunod ang pagpasok ng mga lalaking nakaitim at naka takip ang mga mukha. Muli na namang nagulat si Asher dahil ang huling pumasok ay si Target. "Kalagan siya." Utos ni Almara na agad namang sinunod ng isang tauhan. Kinapitan ni Asher ang wrist na namumula. Gaano ba ako katagal na naka posas para pumula ng ganito? Ang tanong niya sa sarili.

"Asaan ang pera?" Muling nag salita Si Almara Addison at inilahad ang palad sa harapan ni Greg. "Ibang klase ka rin Almara." Ang sagot ng matandang sa babae. Biglang tumawa si Almara at sasagot na sana sa matanda ng may muling pumasok sa silid. "Ikaw ang ibang klase Greg." Saad ng bagong dating "Andrew..." Naibaling ni Asher ang paningin sa lolo naguguluhan siya ano ang nangyayari?.

"Ako nga Greg" sagot nang lalaki. Hindi na natiis ni Asher ang nangyayari naguguluhan talaga siya at kailangan ay may mag explain sa kaniya. "Teka ano bang nangyayari?" Nakakunot noo pa siya ng sabihin iyon. "Woi kalma ka lang Montefiore hindi pa nga tayo nag sisimula parang mababaliw ka na Jan" naka paskil ang mapang asar na ngiti ni Target ng sabihin iyon. "Ikaw anong ginagawa mo rito? Hindi ba at nasa kulungan ka?" Sunod sunod nitong tanong.

Tumawa si Target na para bang aliw na aliw sa pinapanood. "Nakatakas ako, ah Mali may nag labas saakin. Gusto mong malaman kung sino?" Nakangising sagot nito. "Ipapakilala ko na Siya Almara para naman hindi na masopresa ang isang ito." Hindi na niya inantay ang sagot ni Almara at bigla na lamang pumalakpak. Ibinaling ni Asher ang paningin sa may pintuan at inaantay ang pag pasok ng taong sinasabi ni Target at ganun na lang ang gulat niya ng makilala ang pumasok.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon