Chapter Fifty Six:[Aiken Scot]

414 23 0
                                    

Chapter Fifty Six:[Aiken Scot]

{THIRD PERSON POV}

Tahimik na pinapanood ni Aiken ang lalaking mahimbing na natutulog at nakahiga sa hospital bed. Naka benda ang kanang dibdib nito dahil sa tama ng baril na natamo nito. Pinagmasdan lamang niya ito ng may kumatok sa pintuan at iniluwa nito ang Tito niya, si Antonio. Nagtanguhan sila saka muling isinara ni Antonio ang pintuan. Muling sinulyapan ni Aiken si Asher na hanggang ngayon ay Hindi parin na gigising. Tatlong araw na ang lumipas Simula ng mangyari ang masamang pangyayari na iyon.  Nag pakawala muna siya ng malalim na bugtong hininga bago lumapit sa higaan nito. Hinaplos niya ang malambot na buhok nito pababa sa noo,mata at ilong. Nahinto lang siya at pinakatitigan ang labi nito. Naalala niya ang gabing inilahad ni Asher ang nararamdaman nito. Hindi niya napansin na palapit na palapit na ang mukha niya, na tauhan lang siya ng mag lapat ang labi niya sa labi ni Asher. Napaka lambot talaga ng labi ng binata, pumikit siya para damhin ang halik. Kung pwede lang sana siyang manatili. Pero tapos na ang pakay niya at oras na para umalis. Pinutol na niya ang halik ng marandaman ang luhang tumulo sa pisngi ni Asher at mabilis na nilisan ang silid ni asher.

Pag bukas niya ng pintuan ng kwarto ni Asher ay sumalubong sa kaniya ang buong Montefiore. Simula Kay Greg hanggang Kay Aisha. Nasa labas lang kasi sila dahil hiniling ni Aiken na mag karoon ng sariling oras Kay Asher. "Aalis ka na ba talaga Aiken?" Maluha luhang tanong ni Aisha Dito. Tumango si Aiken. "Hindi mo na aantaying magising si Asher? Mamaya ay magigising na iyon antayin mo na lang para makapag paalam ka" suhesyon ni Greg. Tumawa si Antonio. "Huwag na kumpadre at baka Hindi na makaalis itong si Aiken" tinapik pa niya ang balikan ng pamangkin. "Natutuwa talaga akong malaman na babae ka Aiken. Napaka ganda mo" malumanay na sabi ni Elisabeth. Nakamot lamang ni Aiken ang batok dahil sa narinig. Naipaalam na kasi niya sa mga ito ang tunay na kasarian. Iyak pa nga ng iyak si Aisha dahil sa nalaman Hindi ito matigil at sinabi pa na nawasak raw ang puso nito. Nahinto lang siya ng yakapin siya ni Aiken at halikan sa noo. Tuwang tuwa naman ang huli at sinabing ayus lang kahit babae ito.

"Paano ba iyan kumpadre mauna na kami. At baka mahuli sa flight niya itong si Aiken. At may dadaanan pa raw." Pag papaalam ni Antonio. "Sige kumpadre, maraming salamat. Mag iingat ka Aiken" naka ngiting saad ni Greg. Niyakap ni Aisha bilang paalam.
"Sigurado ka bang ayaw mo munang antaying magising si Asher?" Tanong ni Antonio ng sila na lamang dalawa ni Aiken at Nasa labas na nang hospital. "Mag kikita kami ni Aki. Dadalhin ko siya kay Adam, at Hindi na rin kailangan antayin magising ang isang iyon" iwas tingin na sagot ni Aiken. Tumawa si Antonio dahil sa naging reaksyon ng pamangkin mukhang tama nga ang hinala nito. May nararamdaman nga ito para sa binata. "Kung yan ang gusto mo. Oh sige na mag iingat ka." Tinapik niya ang balikat ng pamangkin. Tumango si Aiken saka tinungo ang kaniyang motor. "Pero kung mag babago ang isip mo balik ka lang Dito ah!" Pahabol na sigaw ni Antonio bago paandarin ni Aiken ang motor. Tumawa muli ang huli dahil sa nakitang pag blush ni Aiken Hindi pa kase nito na ibaba ang salamin ng motor. Natutuwa siyang malaman na nakahanap ng taong pag bibigyan ng pamangkin niya ng puso. Tiningala niya ang nakabukas na bintana kung saan may nag didiwang, kwarto iyon ni Asher. Gising na marahil ito.

My Personal bodyguard is A Girl?![Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon