"Are you sure about this, Avi?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Klinton.
Nilingon ko ito at kahit na nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho ay kita ko ang pagbabago ng reaksyon niya. Kanina pa din siya tahimik simula nung umalis kami.
"I'm a hundred percent sure about this Klint. Alam mo namang matagal na akong nakapagdesisyon sa bagay na 'to" mahinahon kong sagot. Matagal na kase akong inoofferan ng pamilya ni Klint na pumasok sa university na pagmamay-ari ng tito niya. Doon din siya mag-aaral kaya hindi na din nakakapagtaka na maraming benefits ang nakukuha niya bilang pamangkin ng may-ari ng university.
They offered me with full scholarship dahil nagtatrabaho si mama sa restaurant na pagmamay-ari ni Mrs. Gutierrez bilang head cook pero palagi ko din itong tinatanggihan. Bukod sa may napili na akong pasukan this academic year ay ayoko rin namang umasa na lang sa pamilya niya. Matagal na kaming natutulungan ng mama ni Klint kaya malaki rin ang utang na loob namin sa kanila. Kahit naman maging scholar ako doon ay alam kong magiging special ang treatment nila sa akin at iyon ang pinakaayoko sa lahat. Mahigpit kaseng ibinilin sa akin ni papa bago siya mawala sa amin na mas maigi ng magsumikap ako kaysa umasa sa iba. Simula noon ay iyon na ang naging prinsipyo ko sa buhay.
"Fine. If that's what you really want then I'll support you" muling saad niya na may bahid ng lungkot. Kahit na hindi niya sabihin sa akin ay alam ko namang nagtatampo siya. Kaibigan ko siya pero siguro naman hindi na sakop ng friendship namin ang pagdedesisyon ko sa buhay lalong-lalo na at kinabukasan ko ang nakasalalay dito.
"Klint 'wag ka namang ganyan. Magkikita pa naman tayo kahit naman magkaiba tayo ng university na papasukan" sabi ko na tila nagpapaamo ng batang nagtatampo.
Hindi ito sumagot kaya nag-isip ako ng paraan para lang hindi na ito magtampo sa akin. Malas ko lang at napunta ako sa kaibigan na matampuhin pero kahit na ganoon ay isa siya sa mga taong parating nandiyan para sa amin ni mama. Mga bata pa lang kami ay magkaibigan na kami kaya sanay na rin ako sa ugali niyang ganiyan. Madalas tuloy kaming napagkakamalang may relasyon sa sobrang close namin.
"Oh sige ganito na lang. Kung gusto mo gumala na lang tayo sa weekend" sabi ko na agad namang nakapagpabago ng reaksyon niya.
"Gala? Kahit saan?" tanong nito.
"Oo kahit saan. Kung gusto mo libre ko pa" pagmamayabang ko kaya ngumiti ito na dahilan para lumitaw ang mga dimples niya.
"Eh kung sa bar?" may ngising tanong nito kaya hinampas ko ang braso niya.
"Hey what was that for?" tanong nito habang tumatawa ng mahina.
"Puwede ba 'wag mo nang ipaalala 'yon?" sabi ko habang nakasimangot. Ang una't huli ko kaseng punta sa bar ay naging sakuna. Birthday kase noon ni Klinton at sa bar niya naisipang icelebrate ito. First time ko din uminom noon at guess what kung anong kalokohan ang ginawa ko? Kung sino-sino na lang daw ang sinayawan ko at ang pinakanakakahiya doon ay sinukaan ko mismo ang isa sa mga close friend ni Klinton na isa pa man ding artista. Kaya simula noon ay sinumpa ko na ang pagpunta sa bar at pag-inom ng alcohol.
"Just kidding. But seriously speaking kung 'yan na ang final decision mo then I got your back" sabi nito at saglit akong tiningnan.
"Thanks, Klint" sagot ko.
Habang nasa biyahe ay nagkuwentuhan na lang kami ni Klinton. Isang buwan din kase akong wala dahil umuwi muna kami ng probinsya ni mama bago ako pumasok ng kolehiyo. Kahapon lang kami nakauwi dito sa Maynila.
Hindi nagtagal ay huminto na kami sa harapan ng gate ng mismong university na pag-aapplyan ko.
"So we're here" sabi ni Klinton sa akin habang sinisilip ang labas.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
