"Avika" isang boses ang nakapagpahiwalay sa amin ni Ms. Abenson.
Sabay kaming napalingon sa likuran ko. Sobrang dilim ng mukha ni mama at inaamin komg ngayon ko lang siyang nakitang ganoon.
My heart immediately thumped so fast as I swallowed hard in solicitude. Nakita kaya niya kami ni Ms. Abenson sa ganoong posisyon?
"Pumasok ka na" matigas niyang utos at sa mga oras na yun ay alam kong hindi magiging maganda ang mga susunod na mangyayari. Tila hindi niya rin iniintindi ang presensya ng kasama kong guro.
Nagkatitigan kami ng prof ko at gustong-gusto kong magmakaawa na ilayo niya ako sa lugar na 'to pero hindi ko magawa.
"Yvonne" muling tawag ni mama kaya napapikit ako. Pakiramdam ko ay naiipit ako sa sitwasyon ko ngayon. Kahit gustuhin ko mang suwayin si mama ay may kung anong pumipigil sa'kin, marahil yun ay dahil siya ang nag-iisang ina ko.
"O-Opo, ma. Magpapaalam lang ako kay ma'am" labag sa loob kong sinabi.
"Ma'am, aalis na ko. Sorry po kung wala akong regalo sa inyo, hindi ko rin sure kung makakabawi pa ko but I'm glad that I was with you today. Happy birthday, Ms. Abenson" I told her in all smiles, trying to conceal the negative emotions in me. Wala man lang siyang reaksyon o sinabi sa'kin. Parang biglang nawala yung Ms. Abenson kanina na nakitaan ko ng konting saya, tila bumalik lang yung Ms. Abenson na makikita mo sa klase. Terror and aloof.
Humakbang na lang ako palayo sa kanya at bago ako pumasok ay nilingon ko pa siya. Walang kasiguraduhan kung ano man ang mangyayari mamaya. Maaaring ito na rin ang huling beses na masisilayan ko ang mukha niya at hindi ko akalaing sa mismong kaarawan niya pa ito mangyayari, ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na gawing special sa kanya ang araw na 'to.
When I entered the house, I immediately saw our baggages on the living room. Parang puro damit at importanteng gamit lang mga laman nun dahil may mga gamit pang naiwan dito sa salas.
I shakily heaved a deep breath before sitting down on the couch, not letting my tears to fall. Naiwan si mama sa labas at baka sa mga oras na ito ay ipinagpapaalam na niya ako kay Ms. Abenson. Hindi ko pa matawagan sina Everlee dahil wala ang phone ko. I'm frustrated because I can't do anything about my situation.
Mahigit kalahating oras na ang lumilipas pero hindi pa rin pumapasok si mama at hindi ko pa rin nadidinig ang pag-alis ng kotse ni Ms. Abenson. Napagdesisyonan kong sumilip na sa bintana at nakita kong magkaharapan sina mama at Ms. Abenson. Nakatalikod si mama mula sa kinatatayuan ko kaya hindi ko makita ang mukha niya pero napansin ko ang pagtaas at pagbaba ng mga balikat niya.
Namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto. Hindi kaya umiiyak si mama sa mismong harapan ng propesora ko?
Nataranta na lang ako nung madapo ang mga mata ni Ms. Abenson dito sa bintana kaya mabilis akong nagtago sa likod ng kurtina. Napatayo ako at nagpabalik-balik sa paglalakad, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Ano kayang pinag-usapan nila? Bakit umiiyak si mama? Hindi kaya may sinabi si Ms. Abenson na hindi maganda? Knowing her, kapag may gusto siyang sabihin talagang sasabihin niya kahit makasakit pa.
Naputol na lang ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto at iniluwa nun si mama. Wala ng luha ang dumadaloy sa mga mata niya pero namumula pa rin ang mga ito.
Walang sali-salitang lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Naguguluhan akong tumayo dun, hindi ko man lang mayakap pabalik si mama sa dami ng tumatakbo sa isip ko.
Hindi nagtagal ay tumunog ang kotse na dala ni Ms. Abenson, hudyat na paalis na siya.
"Avi, patawarin mo si mama. H-Hindi ko sinasadyang masaktan ka kanina. Natatakot lang akong mawala ka sa'kin" tuloy-tuloy na wika ni mama na lubhang pinagtaka ko. Natatakot siyang mawala ako? Bakit naman ako mawawala sa kanya?
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
